Sino dito ang buntis na katulad ko na madalas nagkakaroon ng masamang panagaginip.

Meron akong bad dreams today. As in super worst sa lahat ng panaginip. Nag sex daw kame ng partner ko while I'm pregnant. Tapos after sex, ang dami daw dugo na lumabas. Tapos ayun yung partner ko nakaraos na, tas ako todo sa pag aalala kase may mga buo buo paring dugo na lumabasa... Hanggang sa lumabas daw si baby saken hawak hawak ko tapos. Tapos kinausap ko din si baby. Pangarap ko pong magka anak kaya takot na takot po ako sa nangyari sa panaginip ko. ๐Ÿ™ 5am today. Ayoko na bumalik sa tulog at baka managinip ulit ako ng masama. kayo po? Share your worst night dreams during pregnancy. #1stimemom #firstbaby #pregnancy

21 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

ako nun bago ako nakunan napanuod ko sa fb yung prank na patay na nakabalot sa puti tas kinagabihan napanaginipan ko yun na nakahiga daw kami ng asawa ko tas nakatabi sa akin yung multo na yun tas paggising daw nung asawa ko nakita nya yung multo na katabi ko kaya ginising daw nya ako tas kitang kita daw namin yung paglabas ng multo na yun sa bahay tapos mga ilang alaw nun hnd na gumagalaw si baby sa tiyan ko... parang nagbigay sya ng senyales bago magpaalam...

Magbasa pa
3y ago

ilang weeks po si baby sa tyan nyo nun nung nakunan kayo?

sa 1st baby ko non madalas ako managinip ng patay na sanggol pero malabo yung mukha o kaya minsan nakatalikod lang basta di pinapakita mukha hanggang sa 7months na tummy ko wala n yung baby ko nawalan ng heartbeat. sabi ng matatanda parang sign na daw yung madalas ako managinip ng patay na baby tas ako pala yung nawalan lastyr. basta kapag ganun po dasal lang lagi.

Magbasa pa

Same here po madalas po ako managinip ng masama like pag labas daw ng baby ko sa tummy ko e may sakit sya and malaki ang ulo nya compared sa normal size ng ulo ng mga bagong panganak na baby, worried ako everytime gigising ako๐Ÿคงand lagi din po ako nananaginip about sa mga multo.

Relate! Actually one of the signs I could really tell I'm pregnant is when I start dreaming about weird things. Nabasa ko nga somewhere na it's related to the higher level of progesterone during pregnancy Kaya we tend to see vivid and detailed dreams.

Same! Dalas din akong managinip ng masama, may humahabol sakin, or may magnanakaw na pumapasok sa bahay namin. Bute nalang nagigising husband ko pag naririnig nyang sumisigaw ako ng tulog. Tapos pag gising ko umiiyak ako sa takot. nakaka stress ๐Ÿ˜ญ

Same po. โ˜น๏ธ madalas saakin about losing the baby, minsan about patay patay ganun. Di ko alam kung dahil sa hormones pero dahil sa takot ko, everytime na gigising ako napapacheck ako sa undies ko if may spotting ba or ano. โ˜น๏ธ

ako dalawang beses nanaginip na nanganak na daw ako at sa tatlong panaginip ko nagpa ultra sound daw ako walang baby na nakita ๐Ÿ˜ข๐Ÿ˜ข ewan ko kung kabaliktaran ba yun o babala natatakot ako ehh 3months palang tiyan ko

Me. I always dream of ghost. Tas minsan nagigising ako sa madaling araw parang may nakatingin sa akin, kaya natatakot akong magisa. Lagi nalang ako nagppray, minsan pa iniisip ko may aswang sa labas ng bahay.

same sakin momsh as in ako gabi gabi kaya minsan parang ayaw ko na natulog nag ka miscarriage nako before tapos lagi pako nanaginip ng ganun mag 5 months preggy nako pray lang ng pray momsh โ™ฅ

ganyan ako nung first trimester. first baby ko po kaya konting sakit lang nappraning na ko. nanaginip din ako na nakunan daw ako. wag tayong mag isip isip ng kung ano ano and pray always. โ˜บ๏ธ