my little one
Meet my baby girl Kirsten Angeleigh V. Matola EDD: November 18, 2019 DOB: November 9, 2019 2.8 kls and 48cm Via Emergency CS Share my experience November 8, 4pm pumunta ako ng hospital para sa follow up check up ko sa OB ko. First IE nya din sakin nun then pag-IE 4-5cm na kaya di na ko pinauwi ng OB ko para iadmit. 6pm nakadextrose na ko at tinurukan ng pampahilab. 8pm, IE ulit sakin but still 5cm parin. Kinausap na ng OB ko nanay ko na kung sakali di talaga nag-improve 11pm dadalhin na ko sa operating room para i-CS ako. Kasi kung pipilitin inormal mahihirapan ako kasi may asthma din ako. Bali tatlong beses ako tinurukan ng pampahilab pero naninigas lang talaga tiyan ko na parang puputok. 11pm dinala na ko sa operating room then IE ulit sakin pero stuck talaga ako sa 5cm. Kaya no choice na kesa naman mamatay ako kaka-ire, i-cCS na talaga ako. November 9, 12:15am baby out. Gusto kong umiyak nung narinig ko yung iyak ng anak ko kaso high talaga ako sa anesthesia na tinurok sakin. Worth all the pain kapag nakita mo na talaga yung anak mo.