Baby out!

Meet my bouncing baby girl! Sept. 15, 2019 2.8kilos via NSD with meconium aspiration (dahil nakatae na pala sya sa loob. Threatened CS ako dahil dun, buti naiire ko sya ?) Sept 13 - 1cm nako pero di pa nahihilab. Closed cervix + mucus plug intact. So chill pako, pero ngttimer ako ng contractions to monitor. Sept 14 - madaling araw naalis na mucus plug ko. Kala ko magdidire direcho na. Kasi ganon nanyari sakin sa panganay ko. So walk walk walk, tpos monitor contractions. Pumunta pa kami family reunion. hehe. Hapon nagpa IE ako, 2cm palang. Pinauwi pa ulit ako. So chill pero mejo makirot narin ung contractions. Sept. 15 - Sa sobrang gusto ko na makita si baby, naglakad lakad ako sa bahay buong umaga. pahinga ko lang lunch gang mga 4pm. Tapos nagpunta kami sa business shop namin, dun ako sa gilid ng kalsada naglakad lakad. Siguro inabot din ako 3km papunta pabalik ng shop ? Ayun na! panay hilab na at namimilipit nako. Ung sakit umaabot na talaga malapit sa pwerta. Tinext ko na OB ko to inform her. Sabi kita nlng sa hospital IE kita. Pagdating hosp. mga past 8pm na siguro un, IE - 3-4CM NA!! Active labor na. Nanginginig nako. haha. Option ko daw umuwi or pa admit na. Eh hindi ko na talaga kaya bumalik pa ng bahay. Sabi ko admit na doc. Pinasok ako labor room 9pm. Sabi ni dra. pag humilab, iire ko lang daw. kasi 4cm palang ako 5-6hrs pa possible labor time ko. Eh ayaw ko na indahin un ng ganon katgal. kaya todo ire naman ako, kahit nginig na nginig ako nagllabor. haha. 10pm IE - 5CM 10.30pm IE - 6CM 11pm IE - 7CM 3hrs pa palugit!! diko na tlga kaya, kala ko mapapa CS nko. kasi dpt tlga CS ako kasi malaki tyan ko pra sa ht. ko. haha.4'10" lang po ako btw. ? 11.30pm IE - NAGFULLY nako. Lakad na sa delivery table! hala sige nginig maglakad! paghiga ko, pinutok na panubigan ko, sabi hala mother! nakatae na anak mo loob galingan mo na umire kasi andito na ulo nia. Narinig ko palang ung nakatae natakot nako. nagpanic attack nako. Iniire ko sabay sa hilab tpos finundal push nila ako, di ko matagalan ire ko sa bigat ng nagppush sakin. pero ramdam ko na si baby talga sa pwerta ko. umiiyak nko tpos humingi oyxgen. ? 15mins. ko sya iniire sa table. Mother last na kung di iCS na kita sabi ni dra. odi todo ire na kahit di nako makhinga maligtas lang si baby! naramdaman ko hiniwa ako, direcho na labas na si baby! iyak agad. umiyak narin ako sa tuwa. hay! Nun nilgay nila sa dibdib ko si baby.. laking ginhawa ko.. tpos lakas pa iyak nia.. pagtimbang sa kanya - 2860 GRAMS. Ang laki ng baby mo mother, sa iniliit mong yan nakayanan mo syang ilabas! sabi ng mga nurses. haha! eh sa ayaw ko talaga maCS. Mawarak na pwerta ko wag lang kami maCS. pero mejo pinakasalanan ko sarili ko dhil nakakain ng tae na ung anak ko sa loob. inadmit sya as sick baby.. inumpisahan ng antibiotics. normal naman blood results nia, pero need idirecho ung gamot for 7days. so admitted kami for 3days pg wala naman nagbago kay baby like nilagnat, tamlay magdede.. pde kmi discharge, babalik balik nlng 2x a day til the last dose of meds. Sa awa ng Diyos, 3days admitted well baby naman sya. Nakauwi rin kami. ? Tinuloy meds nalang tapos unli padede. Thankful din ako kasi di ako nahihirapan magpa breastfeed sa kanya. Nakatulong din talaga un para direcho paggaling nia. ? Blessed with this super clingy and strong baby! ?

Baby out!
45 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Thank you po 🥰 Sa mga manganganak palang, kaya niyo rin po yan. Bonggang dasal at optimism lang at mahahagkan niyo narin LO niyo 😊

Congratulations mommy hoping to see my daughter din next month sana healthy din sya

VIP Member

Same tayo sis, si LO nag antibiotic din kase naka dumi na siya sa tiyan ko.

5y ago

Aww. Nakakanerbyos no pag malaman mong ganon? Pero di naman sya nagka infection? Prophylaxis nalang ung antibiotics nia?

VIP Member

Wow hehe nakakakaba naman yon. Buti safe si baby. Congrats po😍

Congratz po! Same tayo ng date momshie. Sept 15, 2019 din baby ko. 😊

5y ago

Congrats satin mommy. Sunday babies 😍

Congrats po mamsh.. so strong po, you and your baby 😍

VIP Member

Congratulations po! Ilang weeks mo po siya exactly nailabas?

5y ago

Feeling ko nastress sya sa paglelabor ko mommy kaya sya nkatae.. hihi.

VIP Member

Ang lakas nyo mammyy. Galing! Congrats pooo😍😍

Hello baby.Welcome to the world.congrtas mama 😘

Congrats momsh sana makaraos na din ako 39 weeks here

5y ago

Good luck mommy! Lapit na yan 🥰