Random thoughts..

Medyo nakakalungkot lang yung dati kong life as teenager na naggagala, waldas dito, waldas doon, unlimited yung time, life as a student. Ngayong maging mommy nako di ko na magagawa yun ganon ba talaga pag mommy na wala kanang me time? Wala naman ako problema sa bf ko kasi pinanagutan niya naman kame yun nga lang di pa ako ready magpakasal ayoko pa humiwalay sa parents ko tsaka wala naman siya ibubuhay samin ng anak niya kasi wala siyang work parang di naman siya nag eeffort. Unplanned tong pregnancy ko pero ayoko naman sabihin na niregret ko si baby happy parin naman ako kasi sa journey kong to marami akong na learn na new things tsaka blessing to sakin di naman siguro ibibigay ni god kung di ko pa kaya. Pero nalulungkot lang ako kasi pakiramdam ko sayang ako. kung pinairal ko lang siguro utak ko at hindi puso siguro magiging iba yung takbo ng life ko. Naguguluhan ako na parang naguguilty ako. #1stimemom #pleasehelp

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ramdam kita mi, kasi 3 yrs plang after ko makagraduate and di pako nkakabawi sa mama ko and nabuntis ako this year lng kaya nagguilty din ako but still thankful kasi may blessing naman na dumating sa buhay namin ng hubby ko which is our baby. Tho plan ko pa sana mag medicine pero tsaka ko nlng itutuloy pag medjo malaki na baby ko, siya muna pag tutuunan ko ng pansin ngayon tas tsaka ko na itutuloy pagmemed ko and inspiration ko baby ko ngayon ☺️

Magbasa pa