Pain during 1st Trimester
Mayroon po bang nakaexperience dito during 1st trimester of pregnancy na sumasakit yung pelvic area nyo? Una left side lang sya so medyo nahirapan ako maglakad pero manageable naman. Then later date both side na sya, buti na lang it usually happen sa gabi so di ko na kailangang kumilos ng kumilos. But occasionally during day time nakakaexperience ako ng biglang sakit (manageable pero paika-ika ako maglakad) #1stimemom #firstbaby
nagstart ko naramdaman yan at 18 weeks, ang sakit sa upper left pelvic area pag tumatayo, nagteturn sa kama, and naglalakad. pero biglang nawala nung malapit na mag 3rd trimester. may konting pressure na lang sa pelvic area pag tatayo or lalakd pero di na gaano kasakit.
If may pain, pacheck up agad. Baka kasi may infection or threatened miscarriage. Para mapainom ng gamot and masabihan if kelangan mag bed rest. the normal pain kasi is saglit lang, di tatagal ng 10min and pag nag change position ka nawawala din dapat pain.
i feel you Momsh parehas po tayo Ganyan din po ako sabayan pa ng Back pain Naka BedRest po ako Ngayon 3 weeks na..Suggest dn ni OB.. my mga Pampakapit din ako na iniinom Mukhang Maselan ang Kalagayan ntin kaya gnito🥺🥺🥺
Uterus po yun. Nag eexpand po yung uterus nyo kasi lumalaki si baby. Ifeel nyo po yung pain kasi ilang beses pong mangyayari yan para next time aware na po kayo. Kung severe pain na, better po na magpunta sa clinic or hospital
ganyan din na e experience kung pain nag pa check ako kay ob agad. okay nman lahat ang explanation lang niya is dahil sa lumalaki ang uterus kaya may mga pain. rest lang daw kapag sumasakit.
ganyan din ako sis and usually nagcacramps kapag gabi. bed rest lang talaga ang sagot sabi ng ob ko. and ung pampakapit and folic acid at vitamins need uminom para makpaut si baby
baka maselan ka mamsh ako po kasi pinagbed rest ako nung 1st trimester ko and puro pampakapit po ang nireseta sakin ni ob like Duphaston duvadilan and isoxilan po.
bed rest din po ako until my 12th week, tapos balik sa work (office duties) tapos dun ko sya naramdaman. pinainom din ako ng duphaston pero binawasan yung intake ko nung nag 12th week na ako, pinaubos lang sa akin yung natitira kong pampakapit pero inadvise ako na magtabi pa din ng ilang piraso in case man na sumakit puson ko o magbleeding ako. so far nung nakakaramdam ako ng ganyan, di naman ako nagbibleeding or cramps.
opo sakin 1st trimester ko dami sumasakit napaparanoid po ako. ngayong mag 3months na wala na masyado. kausapin nyo lang si.baby and pray lang po.
Same tayo sis pelvic area tsaka nasakit yung right side. Nakakaparanoid 🥹