Incompetent cervix @ 20 weeks tapos ngayon Gestational Diabetes @ week 29
Masyado akong tinakot ng OB ko. Kagagaling ko kanina sa clinic para ipakita yung OGTT result ko, sabi nya di na kaya ng diet lang dapat mag metformin na rin at kapag di nag improve insulin na. Very bothersome kasi nga ang daming pwedeng maging bad effect sa baby, autism, heart and lung diseases, worse baka bigla na lang daw mawalan ng heartbeat. Nakakalungkot pa, bago ang OGTT ko, naka strict diet ako, bantay na bantay sa pagkain, pero ganun pa din. Siguro dala ng naka strict bed rest ako, di pwedeng magkikilos. Kaya wala tlga akong exercise. Eto recommendation sakin: * blood sugar monitoring 6x a day * need ko din mag log sa food diary para mamonitor ng mabuti ang food intake * dexamethasone injectable 4x para daw sa lungs ni baby Very depressing, nakakastress😭😭 nakakaguilty din. Ano ba nagawa kong mali. Kawawa naman baby ko. Sa mga mommies na nagkaexperience ng same, pashare naman po ng experience nyo at kamusta kayo at ang babies nyo? Please po.