68 Replies
Happy po lalo ngayung magkakababy na kame almost 6 yrs.namen hinintay to before kame magasama ni lip ko nagpatayo muna kame ng bahay para makapagbukod then bumili ng sasakyan kaya ngayung may baby na kme kahit hindi pa kame kasal dahil nauna ang bahay at sasakyan then now magkakababy na kame ok lang dahil feeling ko wala man samin ang lahat simpleng buhay lang merun kame sapat na sahod at pagkain masaya na kame at never kameng nag away dahil sa pera yun ang rules nameng dalawa wag namen iibahin ang ugali namen dahil sa pera masaya ako at satisfied kahit simpleng buhay lang merun kame
Hehe kuntento Ako sa partner ko ngayon d siya sweet pero maalaga naman. Masungit nga lng siya Minsan ska busy sa laro.. Hindi ito ung naimagine ko n buhay mag Asawa (fairytale like)Nung bata pa ko pero kuntento na ko sa asawa ko. . We have our ups and down pero syempre part n Yun ng mag Asawa, Minsan pkiramdam mo wla ng spark.. ska madami k p maiisip n Kung ano ano. Pero lagi pinapaalala ni Lord n maging grateful Tayo sa Kung ano meron Tayo para maging masaya. Focus Ako sa pgging Asawa at nanay pero d ko kinkalimutan si Lord and syempre sarili. Para d k din maburn out.
Masaya ako, kasi bukod sa magandang traits ng asawa ko yung pamilya nya sobrang tanggap ako kahit na di pa kami kasal kung ituring nila ako parang legal na asawa na ako ng partner ko. Never nila pinaramdam sakin na nabuntis lang ako although 6 years naman naging kami at legal kami both parties. Gina-guide kami ng MIL ko sa mga desisyon, nagkukusa sya samahan ako sa mga check up ko, hands on din sya sa mga kailangan ko unlike my real mom na wala talaga pake. Kaya definitely masasabi ko na maswerte ako sa partner ko at pamilya nya
Happy and contented. We just keep moving forward and forget the past. Importante tlaga ang open communication s mag-asawa. Drting ang point na magsasawa ka na pero dpat informed sya ksi bka di nya alam na nagkukulang n sya. In that way, makakapag isip kayo ng pwede gawin pra mas mging masaya pagsasama nyo. Kaming dlwa pag malungkot ang isa't-isa, may bagay kaming gglawin dto s bahay to signal our partner n malungkot kami. Kpag nkita nming nagalaw un, it means we need to comfort that person. Nakakatuwa lang 😊
Nakakapagod na , lalo na kung ung partner mo ieh tunuturing kng parang katulong kahit buntis ka kesyo need ko daw mag exercise at bawal tatamad tamad.. Pag nag kakatampuhan pa kami di nalng ako nagsasalita hinahayaan ko nlng na siya ung mag bunganga kesa sabayan ko pa feeling ko nga ako pa ung nag aadjust sa kaniya khit ako yung buntis at need ng understanding at caring ako pa ung nag aasikaso sa kaniya kahit hirap na ko lalo na ngyon 38weeks na ko hirp na hirap na ko kumilos pero siya dedma lang
Alam niya ba yang nararamdaman mo? Pinagusapan niyo naba? Why not open it all up to him? And ano po ba yung mga inuutos niya sayo? Kung hindi naman mabibigat na gawain, hayaan nalang po. Siguro naman di pagbubuhat yung ginagawa niya sayo, dun talagang mali yun. And po, sempre as a wife, kahit buntis tayo, need pa din naman po nating pagsilbihan yung mga husband natin, minsan kasi, aminin man natin o hindi ginagamit natin sakanila yung pagiging buntis natin e. Though pwede siyang panlambing but not all the time naman po. Pagusapan niyo lang po mommy. Walang di naaayos sa masinsinang usap. Latag mo lahat ng inaing mo. Para din magkaintindihan kayo.
mpapagod pero di susuko .. di para maging sundalo ang isa sa inyo kundi obligasyon ng dalawa na buhatin at ipaglaban ang relasyon na meron kayo. ang pagkain para sumarap tinitimplahan. may iba na kuntento na sa walang lasa meron nman gusto mas malasa. di lahat ng walang lasa healthy at di lahat ng masarap ay di healthy . basta kung anong hinain sa inyo pagsaluhan nyo! 😉 gnyan ang magasawa sa hirap at ginhawa sa pait at sarap magsasama 👍🥰 yay! sarap!
Yes happy and contented ♥ Siguro kase hindi mo na kailangan sabihan ang isang tao na dapat ganito dapat ganyan kase sya mismo yung gagawa nun para sayo masarap magmahal ng taong mahal kdin... Yung hindi toxic. Yung masaya lang kung magkakaproblema man hindi inuuna ung galit kase pagmay galit ka sa puso o lumalabas s bibig mo na hindi maganda ibig sabihin nun may mali sayo so ayun enjoy lang ♥ iba talaga din kase pagtamang tao ung napangasawa mo
Yes happy po. Ang masasabi ko ay hndi ako nagsisi sa napangasawa ko dahil masipag, napakabait, understanding, maalaga at napak hands on pagdating kay baby. Wala na yata akong hahanapin pa. Sa ngayon ang struggle lng eh nakkitira kme sa parents nya kasi nag iipon pa kme para sa bahay. Medyo na delay nga dahil sa ECQ kaya no work no pay sya at nagagamit na namin ang napag ipunan. But in average sobrang thankful ko sa married life ko 🥰
Happy. 😊 since 2007 kami na. 1 yr palang kami kasal pero before kami magpakasal nag live in muna kami for a year nung makabili kami ng bahay at magkaka baby na kami sa August. Sobrang happy kasi yung pangarap namin dati unti unting natutupad. ☺ maraming ups and downs na pinagdaanan pero kinaya at kakayanin. wala rin kaming masyadong pinagaawayan ng hubby ko kasi lahat dinadaan sa mahinahon na usapan.
Masaya! Nung nanganak ako, nag karoon kami ng drastic changes sa araw2 namin na routine, pareho kaming puyat at pareho kaming pagod. Halos hindi na nga kami mag usap. pero habang tumatagal nakasanayan na namin yung mga bagbabago na yun. nagusap kami sa mga napansin namin na hindi maganda sa isat isa. I am happy na nagawan namin nga way para mabalanse lahat. Though hindi kami perfect pero I have nothing to ask for.
Hanoj Eam Petate