Ang isang buntis ay nagkakaron ng calcium deficiency o kulang sa calcium kasi mas nakukuha ng baby ang calcium sa katawan ng ina. Kaya madali tayo nakukuba o nagkakaron ng osteoporosis, madali din bumigay ang ngipin kaya mapapansin mo yung iba hindi pa senior citizen o nasa 40 plus pa lang ang age nabubungal na ang ngipin lalo na kung ilang beses na nanganak. Sa baby naman pwede magkaron ng problem sa bones nya kung kulang ang calcium ng knyang ina. Pwedeng hndi magdevelop ng tama ang joints ng buto at madelay ang development nya sa paglalakad. Merong iba magtu 2 yrs old na hindi pa marunong maglakad kasi hindi makabalance si baby dahil hindi matibay ang pundasyon ng buto nya kaya madalas natutumba sya agad. Kaya mahalaga po na nainom tayo ng milk hindi lang para sa atin yan kundi para sa baby. Kung nasusuka sa anmum magtanong sa ob kung anong brand ang pwde. Kung hindi hiyang sa maternity milk like anmum pwede naman kahit fresh milk gaya ng cowhead, selecta, nestle, magnolia. Or kahit yung simpleng bear brand na fresh milk. Sana po makatulong... Keep safe & healthy mamshie
Magbasa pa
Nanay ni Eli,♥️