Nakakainis! Kakasama ng loob. Ayaw ako e refer sa ospital.
Masama po talaga loob ko at nae stress ako. Palabas lang po ako ng hinanakit ko. Kabuwanan ko na ngayon, 38 weeks 1 day na ako. Gusto ko kasi sana sa public ospital ako manganak kasi 30 na ako at FTM ako. Nakakaranas din ako minsan ng para akong mawawalan ng malay. Natatakot ako na sa center lang manganak. Gusto ko ospital para incase of emergency, maagapan agad ako at si baby kaysa sa galing center, i byahe pa ako papuntang ospital. Ang public ospital, protocol nila, bago ako tanggapin dun, kukuha muna referal galing center. Pero yung center, ayaw akong bigyan ng referal para ospital kasi wala daw ako valid reason para e refer. Normal naman daw lahat lab ko. Saka lang daw sila mag refer pag may problema ang pasyente. Sinabi ko mga dahilan ko, pero ayaw pa din ako bigyan at parang galit pa yung midwife. Ngayon po, sobra akong stress. Nawalan ako ng gana sa lahat. Tapos ang husband ko, sinabihan pa ako na ako daw ang may problema at hindi sila. Mas lalo akong na stress at napakasakit sa loob ko. Iyak ako ng iyak ng patago kasi andito kami sa mama ko. Nawalan po ako ng gana na mag isip ng mabuti. Ang sa akin lang, kung anu man mangyari pag manganak na talaga ako, ede yun ang mangyari at tanggapin nalang. Ayaw ko na pong makiusap uli sa isa pang midwife na kausap ko din. Wala pa naman syang sinabi na hindi ako bibigyan. Sa center nalang ako.