Malamig na tubig

Masama po ba uminom ng malamig na tubig after manganak? 1week na po nung nanganak ako, ngayon sobrang sama ng pakiramdam ko, at sumasakit ang tyan ko minsan puson. At sobrang hina ng katawan ko masakit din ulo ko. Kahapon galing ako sa OB ko para i check ang tahi ko pag uwi ko sa bahay ganto na pakiramdam ko kaya di na ko nakapag tanong sa OB ko kasi okay naman pakiramdam ko nung pag punta ko dun. Salamat po sa sasagot

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

nagpapabreastfeed po ba kayo? normal po ang mild na pananakit ng puson kase po nagko compress ang ating uterus pabalik sa dati ng hulma.. kaya po after manganak may nirereseta po ang OB para sa kirot at maiwasan ang impeksyon.. you may ask na lang po your OB kung pwede po sayo uminom ng rexidol.. para sa pananakit ng katawan at ulo.. gamot para po sa binat

Magbasa pa
2y ago

Opo breastfeed po. Thank you mi

nung nanganak ako sabi sa lying in wag muna iinom ng mainit, dapat daw malamig.