Masama ba gumamit ng phone habang nagbibreastfeed? Mahilig kasi ko mag-games or mag-FB habang nagbiBF

Sabi nila kasi dapat ang breastfeeding bonding time ni mommy and baby, na dapat may eye contact din (aside from nipple to mouth contact, of course hehe). Hindi dapat disctracted. Pero alam mo, mommy, naiintindihan kita. Paminsan kasi nakakapagod mabreastfeed at palaging si baby na lang ang focus mo. Paminsan gusto mo rin ng panglibang sa sarili mo. So I would say - dapat may balance. Wala pa yatang extensive research na nagsasabi na nakasasama ang radiation from phone sa baby. Pero kung nag-aalangan ka, e di wag mag games habang nagpapasuso. Pero sa akin, okay lang din naman gumamit ng phone, basta bantay mo rin ng mahusay si baby - at hindi mo mabagsakan ng phone mo ;) Eto nga pala, may article akong nahanap para sa yo tungkol sa pag-gamit ng phone habang nagbe-breastfeed https://ph.theasianparent.com/mobile-phone-use-and-breastfeeding/
Magbasa pa



