Ask lang po masaket poba manganak saka meron po ba na nanganganak na hindi ginigupit ako pempem ?

masaket poba manganak first time mom poko 11 weeks and 2 days po tyan ko malake po tyan ko pag busog pero maliit sya pag di ako busog hahaha parang bilbil lang #firsttimemom

Ask lang po masaket poba manganak 
saka meron po ba na nanganganak na hindi ginigupit ako pempem ?
36 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Labor po mommy ang masakit.. ksi mararamdaan mo naman na si baby kpag paparating na sya pra ka lang natatae and regarding po tanong mo kung mayroong nangangnak na hindi nahihiwa.. well meron nman po depende po un sa laki ng baby na lalabas sayo. Mapupunit at mapupunit po kasi tlga sya once na palabas na si baby kaya lng po ung iba nahihiwaan dahil na rn sa laki ni baby. Sa panganay ko almost 5kilo sya kaya 2 ang hiwa ko episiotomy ang twag kung nd ako nagkakamali. And 8 stitches sya kaya almost 2mos. Bago gumling.. sa pngAlawa ko naman almost 4kilo sya.. and may maliit lng na punit as in kya one week lng gumaling na kaagd.. wag ka pong matakot mommy need mo lng lakasan ang iyong loob at paghandaan ang mga bagay bagay. 😊

Magbasa pa

masakit talaga, at minsan depende din sa tao may mga mabilis lang manganak may mga nahihirapan talaga, may pinsan nga ako 3 na ang anak nya yung panganay at pangalawa nya nanganak sya ng tulog ng hindi nya alam nasa may paa nya na ang baby so sa 3rd baby nagingat na sya dahil nga dalawang beses na nangyari. Sa case ko naman, nagleak yung water ko 4 days, then sa 4th day nagpunta na ako sa hospital 4cm at naglileak kaya admit ako then ayaw na talaga dumagdag ng cm 8 hours pinanganak ko baby ko na 5cm lang ang bukas, sa sobrang sakit parang di ko alam paano magire but kaysa magtiis pa ng tiis binigay ko na lahat pangalawang ire out na ang baby ko so ayun ayaw ko na maulit pa.

Magbasa pa

ako momsh mas nasaktan ako sa labor. kasi di ako pinatayo ng hospital, naka higa lang ako habang humihilab ng humihilab tiyan ko. bawal ako uminom tas wala pa asawa ko sa loob, literal ako lang and mga doctors tas ibang mga buntis din don. nung nanganganak na ako di naman masakit kasi yung utak ko wala nang inisip kundi umire. ginupit ako nung lumabas na ulo ni baby kasi di daw kasya, baka maipit yung balikat niya. first time mom din ako, tsaka good thing na tinuruan ako ng mga doctors dun pano umire since first time ko.

Magbasa pa
VIP Member

Ang masakit pagle labor yung sakit di mo malaman kung saan nanggaling. Pero pag nakaire na andyan na ulo ng bata at nakalabas na ginhawa na yan. sa pangalawa at pangatlo wala ako punit kasi maliit lang sila. pangalawa mabilis lang yun lumabas, Wala pa 15 mins isang irehan lang talaga. binawian lang ako sa bunso kasi malaki sya don ko naranasan umiyak at hilingin na sana i cs na lang kasi di ko na kaya naka dalawang turok din ako non pampahilab tapos may nilalagay sa pempem pa para bumuka buka

Magbasa pa

sa experience ko po ay sadyang napakasakit ang maglabor. ngbleeding agad ako nun pero hinihintay ko ay ang panubigan n sinasabi nila n puputok pero wala puro blood lang tlga. Meron plng ngli-labor n blood lang ang discharge. Ang masaklap 2 litas lang naman from vagina to rectum. Di kasi ako nakairi ng ayos nuon. Tagtag p ako kasi makilos ako nuon. Pero iba2x nman bawat buntis. Pray klng Ses. Thankful to God,my baby boy is healthy and now on his sixth month.

Magbasa pa

Ako induce labor hnd ganun kasakit ung labor ko para lng akomg nadudumi ganun lng pakiramdam ko pero normal delivery pa dn... Hiniwaan ako kahit maliit lng c baby 2.4kg. Ang masakit sakin is ung paglinis sa loob mahapdi saka ung pagtahi dn 😔😔😔 hnd dn masyado kz tumalab ung anesthesia.. Sa pag ire nmn nasanayblng cguronako kz lagi ako tinutubol 🤣🤣🤣 todo ire tlg kaya naka tatlong ire lng ako lumabas agad sya.. 😊 😊 😊

Magbasa pa
VIP Member

ako po walang tahi.. sa labour po talaga ako nahirapan.. kasi gutom ako at uhaw.. bawal kasing uminom kahit kunti lang kung malapit kana manganak sabi nang nurses... and totoo sabi nang ibang mommy na mawawala ung sakit pag nakita muna si baby... pero expect after birth na masakit tumae😅 masakit magpadede nang first time. madaling ding mastress😅 pero kakayanin mo din yan hehe..

Magbasa pa
VIP Member

labor talaga ang mas masakit kysa ang panganganak. Merong case na hindi kina cut lalo na kung keri mo naman syang ilabas, naghihiwa lang kasi ang mga doctor/midwife kung nakikita nilang nahihirapan ka ng sobra ilabas ang bata dun lng sila magcucut. dont wori momsh may anesthesia naman ituturok sau kapag tatahiin na ung hiniwa sau.

Magbasa pa
VIP Member

#8 1st question:Yes it hurts, 10/10 but it's sooooo worth it! The labor will only last a few hours but you'll have a child to cherish and love for a lifetime 🤍 2nd question: yes meron po depende sa laki ni baby or baka dahil ilang times na sya nanganak pero 99% episiotomy pag NSD. Kaya yan mommy💪🏼 🙏

Magbasa pa

Kapapanganak ko Lang today at,, first time mom ako at masasabi ko honest opinion Lang, ayoko ng umulit, halos ayoko ng ILABAS si baby sa sobrang sakit times 100 ang sakit, nagwala ako sa sobrang sakit, pero nung nalabas ko na si baby,, grabe ang sarap sa pakiramdam ang gaan,, so ayun tahi nalang tlga sobrang sakit

Magbasa pa