POSTERIOR PLACENTA
Mas matagal po ba at mahirap mag labor pag nakaposterior ang placenta? 35 weeks nakacephalic naman na po si baby kaso ayun sa nababasa ko mas matagal ang labor pag posterior na baka mapunta pa po sa CS. 3cm narin po kasi ako and open na ang cervix noong June 28 and tinurokan ako nang OB ko nang dexamethason para mag matured ang lungs ni baby at pinainom din po ako nang pampakapit. Nakabedrest po ako ngayon minsan naninigas parin ang tiyan and may slight na pananakit nang balakang follow up check up ko sa July 5 kinakabahan ako na baka ma ECS ako dahil nag preterm labor ako at nakaposterior placenta ko.