Married for a year now pero sa bahay pa rin ng in-laws ko kami nakatira ng asawa ko. Hindi lang siguro tatlumpong beses ako nakiusap sa mama niya na ako na ang bahala sa labahin namin at paglilinis ng kwarto namin. Pero 'di ko alam sa mama niya, sobrang daming pwedeng linisin at ayusin sa bahay namin pero hindi siya makalayo sa kwarto namin. Laging pagdating ko from work, iba na ayos ng mga gamit namin. Alam ko ayos ng mga gamit ko kahit magulo pero hindi lang isang beses na nakita kong nababaliktad mga clothes ko sa loob ng cabinet. And it's becoming really frustrating kasi kahit ilang beses na pakiusap, bukas makalawa, pinapasok ulit kwarto namin. Any thoughts on these?