advance planning (binyag)

march pa ang due date ko pero ngpa plan/inquire na ko para sa binyag ni baby. masama po ba un? sabi kasi ng mama ko dapat mgplano pagkalabas ng bata. thanks po

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

wala naman masama kung magplano ka kaagad. iconsider mo muna yung budget na kakailanganin sa hosp pag manganganak ka saka ung mga gastusin din pagkalabas ni baby. kung hindi naman po problema ang budget, iconsider mo din kung kaya na ng katawan mo na magkikilos kasi usually pagkapanganak kailangan mo pa magpahinga nyan saka madami ka rin magiging sleepless nights lalo na may newborn ka. sa isang banda mabilis lang naman pabinyag kasi after church, sa handaan medyo busy jan matrabaho kung kayo magluluto peto kung may organizer saka pacater kayo mas ok yun kasi hindi ka mapapagod. basta tantyahin mo ma kung kaya na ng katawan mo saka budget. exciting magplano ng binyag momsh, isip ka ng theme tapos magtingin tingin ka ng souvenir, invitation, mga menu na ihahanda. samin yung binyag isinabay sa 1st bday para isang gastos nalang. Goodluck momsh, have a safe delivery :)

Magbasa pa
5y ago

thanks momsh. mapamahiin kasi parents ko kaya ayaw nila mgplano hangang wala pa si baby. hehe