HINDI AKO PINAG-Congenital Anomaly Scan NI OB
MARCH 17, 2023, ipinanganak ko anak ko meron syang Congenital Diaphragmatic Hernia, Congenital Heart Disease at Patent Ductus Arteriosus. Tapos tinanong ko OB ko bakit di agad nakita na may ganon anak ko nung nasa tyan ko palang. Parang ako pa ngayon may kasalanan eh kumpleto checkup ko sa kanya kung ano sabihin nya sinusunod ko kapag need magpa-ultrasound, nagpapa-ultrasound agad ako. NAIINIS AKO KASI 'DI NYA AKO PINAG-CAS ako tuloy pinapagalitan ng mga doctor na tumitingin sa anak ko. HANGGANG NGAYON NASA HOSPITAL PA RIN KAMI NG ANAK KO NAKATUBO PA SYA NGAYON.