Mother or MIL?

Manganganak palang ako dis August w/ a baby girl pero nasa Manila ang work namin mag asawa. taga cebu sya while me taga Palawan, gustong gusto ipaalaga ni hubby kay mama nia si baby pagtapos n mat leave ko okay lng naman sakin ksi city nman lugar nila malapit sa lahat pero umaalma tong nanay ko bat daw ako papayag ng ganun? Ako daw nanay dapat sa side namin si baby ung rason ko nmn di nya fulltime mabantayan si baby kasi may business din sya besides napakapobre pa ng probinsya nmin wla maayos n kuryente at tubig samin pati clinics/ospital n maayos wla. Lagi nyang sinasabi n napalaki nya nmn daw kming magkakapatid ng maayos kahit ganun ang buhay don saka kukuha nmn daw sya yaya para magbantay kay baby pag wla sya. Naguguluhan na ako sa knila though di pa kami close ng MIL ko #advicepls #1stimemom #firstbaby

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

tingin ko patulong kayo sa mas may time mag-alaga. ganyan din samin, nanay ko kasi nagwwork pa talaga pero sabi nya magbabawas sya ng load para makatulong samin. pero kasi busy talaga sya unlike ang MIL and FIL ko na fully retired na. iniisip ko rin yan kasi hindi kami gaanong close sa MIL kahit andun kami monthly siguro dahil di naman kami expressive though super bait and maalaga nya. naiilang pa rin ako at times. kaya lang, parang sa nakikita ko sya ang mas makakatulong sakin. WFH kasi ako eh, kaya naman pero need ko lang super help kahit first month ng panganganak ko dahil FTM ako. napashare lang din ako kasi need natin timbangin sino ba mas makakapagbigay ng help? kung maayos naman pagpapalaki sa asawa mo po, trust your MIL :)

Magbasa pa

hnd pp ba pwd ka magstop mag work pra ikaw mag alaga sa anak mo? if kaya na si hubby mo nlangmagwork then magfocus ka sa anak mo. Sorry hirap kasi ang newborn alagaan sa totoo yan. Yan ung pinaka critical stage for me kung saan mas need nila ang Nanay. Maniwlaa ka saken, Kapag lumabas ang anak mo mahihirapan ka ng iwan yan. kung tlaga hnd kaya na isa lang magwork sainyo. I suggest dun ka kung saan mas safe ang anak mo, Lalo in case of emergency. Yung maayos na environment. Saka now palang iclose mo na MIL mo kasi darating ka sa point na ququestionin mo kung paano nya alagaan/palakihin ang anak mo. Kahit may ayaw ka hnd mo agad masabi kasi nahihiya ka.

Magbasa pa
TapFluencer

kung san po kayo mas panatag dun po kayo. may karapatan naman po kayo magdecide dahil kayo naman ang nanay. kung may mas maayos na clinic, kuryente at tubig sa side ng partner nyo and alam nyong mababantayan naman si baby nyo ng MIL nyo edi go nyo na po kasi para naman po sa baby nyo yan. Iba na din po kasi yung panahon nila sa panahon natin ngayon mas marami ng sakit na sumusulpot ngayon jayanmas okay na dun kana sa lugar na may maayos na clinic at iba pabg pangangailangan ni baby. 🤗 maiintindihan naman po ng mother nyo yun kausapin nyo lang po kung ano desisyon nyong magasawa.

Magbasa pa

Alam nyo po kung kaya naman ng asawa mo i support kayo bat di ka muna mag stop sa work. Kasi mas magandang ikaw magpalaki sa anak mo. Kahit kanino mo yan iwan, promise mamomroblema ka lang. may mga masasabi ang bawat panig . pag nakita mo yang baby mo ewan ko na lang po kung gusto nyo pa yan paalaga sa mother or MIL mo. isa pang downside ng pagpaalaga e magiging malayo ang loob sayo ng anak mo. Saglit lang po yan sila baby. 2-3 yrs makakabalik ka na ulit sa work.

Magbasa pa

Pantay po ang karapatan ninyong mag-asawa sa anak, pangalawang ina niyo na rin si MIL. Pag-usapan niyong mag-asawa kung saan mas makakabuti para kay baby. Kahit hindi po kayo close ng MIL ninyo, hindi po ibig sabihin nun mapapabayaan ang anak ninyo sa kanya. Lalo pa kung mas maaalagaan ng MIL ang apo niya, kesa sa nanay ninyo na kukuha pa ng yaya pag wala daw siya, at gaya nga ng sabi niyo, walang malapit na ospital at tubig at kuryente.

Magbasa pa

Momshiie napaisip din ako lalo na sa sinabi mo sa last na hindi kayo close pa ni MIL.. Eto ang para sa akin momsh ha.. Iba kasi pag sa side natin mommy ang mag aalaga ng anak natin ewan ko lang ganun kasi pakiramdam ko mas panatag ako na magulang ko ang mag aalaga kay baby ko kaysa sa in laws kahit close kami ng inlaws ko mas gusto ko sa parents ko mga anak ko.. Pero ikaw mommy kaya mo ba ganon din kalayo si baby mo?

Magbasa pa

One of the cons kapag ipapaalaga sa lola ng bata, may tendency na maspoiled ang bata at mahirap ng disiplinahin. Kaya, choice ko din na hands on ako sa magiging baby ko. hanap nlang ng paraan kung paano kikita kahit nasa bahay lang. Mas magiging panatag at magiging close kayo ng anak mo..

Sana all pinag aagawan ang pag aalaga sa apo 😊😅 saamin mag asawa ni pag hawak saglit sa baby wala ehh 😅😅 pero ok lng atleast napapalaki nmin ng maayos mga anak nmin .. kung san po kayo panatag dun po kau

Mas okay po if ikaw mag aalaga ng baby mo. Paglabas ng baby mo, hindi mo kakayanin na malayo sa kanya.