BINAT/ANXIETY
Hi mamshies. I'm FTM and 2 weeks and 4 days na kami ni Lo ko. Grabe yung Anxiety ko sa mga taong nakapaligid sakin tungkol sa binat. Nakapagpahilot nako at nakaligo. Sabi ng manghihilot pwede naman na daw kami mag aircon. Pero yung mga kapit bahay namin, iba iba sinasabi. Some say, pwede na. Some say, mababaliw ka. Some say, dapat 1 year ako magsuot ng medyas at magjacket. Some say, after 1 month pwede na. Some say, after 5 months pa pwede magtanggal ng medjas at magtigil sa pajama. Nakapaligo na yung baby ko. Some say, bawal padin gupitan ng kuko. Some say, pwede na. Mahaba kuko ko. Some say, pwede na ako mag gupit ng kuko kasi nakaligo naman na ako. Some say, after 1 month pa. Etc. Etc. Naniniwala ako sa binat. Pero hindi ko na alam sino papaniwalaan sa paligid ko nakakastress. Isip tuloy ako ng isip kung sino dapat sundin. ππ»ββοΈπ€¦ββοΈ #firstbaby #1stimemom