Breastmilk booster

Hello mamsh! Ano maganda/effective na breastmilk booster? Tbh, di ako nakain ng gulay simula bata. (nakain pero cabbage, kangkong mga 5pcs max pa) EDD ko is Feb 5 balak ko sana magtake na ng breastmilk booster supplements para ready. 🥰🥳

11 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Pinaka-effective po talaga ay unlimited latching ni baby from first day of birth po. Based on experience ko po (turning 5 weeks si Lo), wala po akong tinake na boosters or anything, purong water and liquids lang like sabaw, hot drink, juices. Never din po ako nag lactation cookies or boosters. Exclusive breastfeeding po ako eversince. Never bumili ng formula kaya laking tipid.

Magbasa pa
VIP Member

lagi ka lang mag bf kay baby mi..then pump ka to drain yung milk na matira..based on supply and demand ang breastmilk kaya magpoproduce ang body mo ng breastmilk if always nauubos ang milk both breast. Always keep yourself hydrated, eat ka ng masasabaw and healthy foods and rest. Wag ka mastress kasi no.1 yun nakakawala ng milk.

Magbasa pa

unli-latch kay LO mumsh tas sabayan mo ng pump, supply and demand kase milk supply natin so if palagi nagdede si baby plus pinapump mo pa siya magsisignal ang bobbies natin kay brain na they need to produce more kase yon ang need na supply ni baby. tsaka always ensure mommy na you're hydrated, water and sabaw is the key.

Magbasa pa

Sakin milo lang every morning and may sabaw na ulam, more water, so far effective naman makapagpalakas ng breastmilk. Last time akala ko wala na ko gatas kase di na sumasakit boobs ko ininuman ko lang ng milo ayun kinabukasan puno na ulit as in may pagsakit sa boobs kase puno na at pagtulo na ng gatas ulit.

Magbasa pa
TapFluencer

malunggay capsules po at m2.. saka po more sabaw po dapat lalo po tahong at halaan best for breastmilk producer. and my father used to make scrambled malunggay with cheese tinatadtad niya ng pino yung malunggay then lalagyan niya ng cheese bago iluto yung egg.. super sarap di mo malalasahan yung malunggay.. ☺️

Magbasa pa

meron po binibili asawa ko sa healthy options na capsule na may fenugreek at moringa na kasama twice daily niya iniintake. meron din siya brewers yeast na sinasama sa iniinom niyang drinks. pero mas okay consult mo muna lactation specialist kung okay lang ba yun :)

Natalac capsules mi effective din yon. malunggay powder po kasi yon at talaga naman napakaraming breastmilk ang nakuha ng baby ko when i was taking Natalac capsule. Sabayan mo na rin mi ng masabaw na pagkain. importante din yon.

MALUNGGAY ❤️ ilagay mo sa kahit anong kakainin mo yung malunggay leaves. nakakatulong din yun para mas maging healthy kayo ni baby ☺️

VIP Member

I tried m2 Tea drink, Malunggay Capsules, and Mother Nurture Coffee and Choco, effective saakin

2y ago

me too. plus lactating cookies 😁 galacto bombs.

TapFluencer

milo lng aq s umaga kso tinigil q n nung ngisang tao n anak q...