15 Replies
u can consult a pedia momsh. 2 years old na ang lo ko and she can have conversations na, sentences like "can i go outside,pls?" "the sun is very bright" mga simple questions like "what is this?" "can u help me, pls?". Mas na develop pa nung pinalitan ko ang cellphone to TV kasi subrang stagnant ng bata pag cp ng cp. Unlike TV, nakakapaglaro pa kami kasi mas madali xang ma bored. More roleplaying momsh, use teddy bear or robots na parang puppet, books na may mga pictures let him point and let him repeat the words, kung nasa labas kayo let him engage in a conversation w/ u tungkol sa surroundings, yan ginagawa ko rin. ang importante is time talaga. u have to be patient and spend more time sa lo mo. nakakapagod minsan pero kaya yan momsh. π©·
Try mo ma'amshie ipanood sa kaniya yung sa youtube na "Miss Rachel" o dikaya ay palagi mo siyang kausapin. Yung simple word lang muna. Like Mama, Papa, Lola, Lolo, Hi, Hello. Huwag lang E-baby talk... kasi napapatagal yun ang way ng bata na mag-usap. Usap straight at huwag e-baby talk.
Better consult with your pedia po mommy. My son is speech delayed dahil na rin po weak yung buong left side niya kaya better to consult the doctor para ma check nila if May concern si baby or sadyang need lng ng less gadget and more interactions
same sa baby ko..mag3 sya sa october..kahit mama or papa d pa rin mabgkas..pero nakakaintindi nauutusan at alam nyang mami nya ko or kung sino papa nya or kuya nya..may sounds din sya nabbgkas pero walang derekta words
delay lng yan for me more engaging activities siguro like repeat after me type ng games. meron nga dito samin same din muka nmn ok sya. i mean sa knowledge ng utak nya nakakasunod sya tamad lng magsalita talaga
consult devped po para maadvise kung ano tamang gawin. Most probably po mag tetherapy po sya. OT or ST. Yung son ko 4years old na nagsalita, ngayon di na mapigil π big help po ang therapy.
Same sa pamangkin ko,mag-3 na sya this June 18 pero di pa din nakakapagsalita ng maayos. Ewan ko kung nahahalata ng parents niya parehas kase nagwowork.
Pamangkin ko 5 years old na nakapag salita. Normal naman yan mamsh kung wala talaga syang words na nasasabi don ka mag alala iba iba ang milestone ng bata.
not normal po. may milestones po yun ang binabatayan. 3 yrs old may number of words na dapat siya nasasabi ng malinaw. better to seek professional and medical help pag ganito.
Baka po delay lang tsaka po wag nyo po sya sanayin sa tv/youtube cellphone kasi yun po minsan nagiging sanhi for me lang iwas babad sa screen
Baka po delay lang tsaka po wag nyo po sya sanayin sa tv/youtube cellphone kasi yun po minsan nagiging sanhi for me lang.
Genie Rose Dela Cruz