Pwedi ba po ba ang buntis?
Makaka pasok po ba sa mall ang mga buntis? Gusto ko po sana pumunta at maka bili ng mga needs ni baby. Sana masagot, thankyou.#pleasehelp #1stimemom
sa case ko naman, nung nandoon kami sa pampanga pinapasok ako sa sm pampanga at nakabili ako ng ibang gamit ni baby doon. tapos nung nandito kami sa cavite hindi ako pinapasok sa sm dasmarinas kahit sabihin na bibili ng gamit ni baby. depende talaga sa mall yan sis. ang ginawa ko nalang nag suot ako ng malaking shirt at nag sweatpants pero di naman oa sa sikip kaya di halata. 7 months na ako pero di kasi ganon na sobrang laki tiyan ko, parang mataba lang ganon. kaya ayon nakapasok ako sa sm, pero sa sm trece hindi sa sm dasma. gawa ka paraan sis kasi may iba talaga na hindi pwede kaya ang ending sa online ka nalang mamimili. kasi ako karamihan sa gamit ni baby puro online ko lang naman binili mga 90% sa online ko binili kasi mas mahal din sa mall eh
Magbasa paLast time pumasok kami ni hubby sa Puregold. Nakadaan kami sa grocery tas biglang napansin ni ate guard tyan ko, sabi buntis ba daw ako hinabol nya ako. Nagpanggap nalang ako kunyari di ko gets sinasabi niya at naglakad na ako ng normal. Pero di ko naitago parang lakad ng penguin e. Hirap mag pretend na hindi buntis nanakit tuloy tyan ko.
Magbasa padepende po sa status ng place niyo po , Kasi dito saamin MECQ aside sa minors and seniors di din pinapapasok yung buntis sa malls and any establishment kahit sa market bawal
Dito po samin Robinsons Manila nakakapasok, SM Manila hindi pa daw po pwede.. tapos Ayala Malls Circuit essentials lang po pwede
Depende sa mall. Dito samin allowed naman. Kakagaling ko lang sa mall kanina. Im currently 39 weeks pregnant.
Basta sabihin na bibili ng gamit ni baby papasukin naman. Dito samen mga mall yun sinasabi ko
my ibang mall na ngppapasok pa meron nmang hindi na. 😊 depende sis lalo na sa lugar nyu.
Sa SM pwede po basta may kasama..😊
Ang alam ko bawal po ata
Alam ko Bawal parin