Mahirap pala talaga mag-alaga ng baby. Lalo na sa mga FTMs dyan na kagaya ko. Ang alam ko lang noon manggigil sa babies pero di ko kaya kahit man lang mag-buhat. I watched tutorials kung pano mag-alaga before I gave birth, pero parang walang nag sink-in dahil iba pala talaga pag actual na. Mahirap makipag hulaan sa kung anong nararamdaman ng mga LOs natin pag umiiyak. Nakakapraning na nakakapagod. Totoo pala, na if only you can take the pain na nararamdaman nila, gagawin mo. Having a child is indeed a blessing but such a big responsibility. I had to give up my career to take care of my LO na sobrang pinanghinayangan ko. Now I realized, career din pala ang pagiging mommy. You don't get monetary compensation pero mas rewarding sa feeling and sa worth natin bilang babae. It doesn't matter weather you're on your teenage years, 20s or 30s for as long as mature ka na to bring your LOs in this world at maalagaan siya ng maayos, responsable ka pa ding mommy. I'm writing this while sitting here sa toilet, believe it or not, this is my only break from taking care of my baby the entire day pero di ako nagco-complain. Mas masarap sana kung may beer akong hawak, haha. But, no. Hindi pwede.? Kaya sa mga nanay dyan kagaya ko, saludo! Take a break kahit sandali. Give yourself a tap on your shoulder for a job well done! Way to go Mommies!?