Kahalagahan ng PAKIKIPAGLARO sa anak
Mahalaga ang "TIME" sa pamilya lalo na kung paglalaro ang usapan. π§ Ano nga ba ang kahalagahan ng PAKIKIPAGLARO sa ating mga maliliit na anak? 1. Mas lalong napapalapit ang loob nila satin. 2. Nalalaman natin kung ano ang hilig nila halimbawa pagluluto, panggagamot, pagtulong atbp. 3. Naitatama natin kung ano ang mga mali gaya ng ugali, pagsasalita at tamang pakikipag-usap sa kapwa. 4. Matututo silang magtiwala satin at magkaroon ng tiwala sa sarili. 5. Nakikita natin kung paano sila mag-isip at dumiskarte. 6. Natuturuan natin silang mahalin ang mga kasapi sa pamilya. Sa simpleng pakikipaglaro napapasaya natin sila. Iba ang mga ngiti nila sa labi sapagkat tayo mismo ang kanilang kalaro. Kaya iparamdam natin kung gaano sila kahalaga dahil "Minsan lang sila naging Bata". #TheLegsONIsON #LegsonFAmBam #Advice #HappyParents #HappyFamily #Wednesday #Love #Playtime #fun #time #playtimefun #StrongFamily