Magulong Sitwasyon , Read with patience..
Mahabang kwento, maaga kaming nagkaroon ng responsibilidad sa taon na 20. At dahil sa nagawa namin na pagkakamali, Pareho kaming huminto ng pagaaral para maitaguyod ang aming pamilya. Ako as a father ang nagtrabaho at siya naman ang nag alaga sa anak namin. Tumira kami sa bakanteng bahay ng babae for 2 years dahil iniwan siya ng mga magulang nito at nagtrabaho sa malayo.. Wala kaming natanggap na tulong sa mga magulang namin at kumayod ako ng husto para sa pamilya namin. After 2 years, umuwi ang mga magulang niya at naging magulo sa bahay dahil wala silang trabaho at sa amin na naka depende. Kayat inuwi ko na siya sa bahay namin. Tumira kami sa amin ng almost 3 years bago siya nag abroad. Ang daming nabuo na pangarap , plano sa buhay at gustong mangyari sa future ng mga bata. Hanggang sa nakapag abroad na siya. At first , masaya naman. Okay naman. Hanggang sa biglang nagparamdam ang mga magulang niya at mga kamag anak niya. Na hindi mo naman makita o maramdaman ang presensya nila noon nandito palang ang asawa ko. At doon na nagsimula ang magulong sitwasyon. Sa tuwing may sinasabi ang mga kamag anak niya o magulang niya ay mas pinapaburan niya ang mga ito. Doon na kami nagkaroon ng problema. Pinakuha niya ang mga bata sa magulang niya at naghiwalay kami. Pero dahil sa napakaliit lang na problema kumpara sa ilang taon na nagsama kami ginawa ko lahat para maayos ito. Ngunit mahirap na isalba dahil madami ng involve. Pilit kong kinukuha ang mga anak namin sa kanyang magulang upang makapag ayos kami ngunit ayaw niya itong ibigay at ng kanyang mga magulang. Halos kalahating taon na hindi nakatira ang mga bata sa akin, sa tuwing pinapasyal ko sila lagi silang tinatago kaya nagtrabaho na lang ako. At isang time nagparamdam ang asawa ko at sinabing hindi niya kaya, at ibabalik niya ang mga bata. Agad naman akong pumayag para mabuo ulit ang pangarap namin. Pero sa pagbalik ng mga bata sa akin halos 1/4 lang ng sinasahod niya ang kanyang pinapadala at dahil bumalik na ang mga bata sa akin. In unblocked ko na siya sa fb at doon tumambad sa akin na sa kalahating taon naging pavictim siya sa mga post na akala mo'y nambabae, nagsusugal, nagbibisyo, pabaya at ginamit ko lang siya. Nakita ko rin doon na puro ang pasyal niya at sa tingin ko naging dalaga ulit siya. Ni picture ng mga bata wala sa mga post niya. At doon ako naging masama sa side ng pamilya niya. Ibang iba siya sa chat at sa mga post niya. At doon nanaman kami nagtalo dahil kinofront ko siya sa mga gawain niya. Ilang beses akong abunado sa kanyang mga padala at sa tuwing humihingi ako ng dagdag lagi niya sinasabi na. Yun lang ang kaya niyang ibigay (5-6k monthly) para sa dalawa namin na anak.. at wala naman akong magagawa kaya kumakayod ako at the same time nagbabantay ng mga bata. Walang naipon, walang napundar pero nagpapa package at doon sa side niya napupunta. Mula noon Hanggang ngayon mag tatatlong taon na siya . Wala pa din pagbabago. Hindi na kami nagkakausap sa kadahilanan na , sobrang dami niya ng hindi magagandang salita na binitawan sa akin. At napag isip isip ko na. Since nag abroad siya hindi na maganda ang naging pakikitungo niya sa akin. Gusto ko magmura sa sobrang galit at inis na hindi man lang niya naisip yung sakripisyo ko para sa pamilya. Ni hindi man lang ako nakabili ng bagong damit at naitreat man lang ang sarili ko. Sa ilang taon hindi ko inisip sarili ko para lang sa pamilya namin. Kaya gumawa na ako ng paraan at hindi na umasa sa kanya. Nung nalaman niya na nakapasa ako sa Interview at waiting na lang ako sa contract going abroad. Dun lang niya ako Inaapproach at magsimula daw ulit kami at subukan na magwork ulit yung relationship namin.. ngayon taon limang buwan na siyang hindi nagpapadala kung pagsasamahin mo. At ang rason niya ay hindi pa sumasahod at nagbabayad siya ng utang. (IKAW BA NAMAN NAKA IPHONE at LAGING NAMAMASYAL) . AT ngayon pasukan na ng mga bata, hindi man lang nagpadala ng pera para may ipangbili man lang ng gamit ng mga bata sa school. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya, Ganon ba talaga kapag nag abroad ang isang tao. Nagbabago ang pananaw nila sa buhay at nakakalimutan ang hirap na dinanas dito sa pinas. Handa ba talaga siya magpamilya o hindi pa siya tapos sa pagkadalaga. Dapat ko pa ba siyang suportahan despite sa pag abandona sa aking nararamdaman o hayaan ko na lang siya at go with the flow na lang. Sa tingin ko wala sa edad o kasarian kung sino ang dapat magtrabaho sa abroad at kung sino ang maiwan para sa mga bata. Dapat maging committed tayo sa isat isa at sa mga pangarap na binuo ninyo nung kayo ay magkasama pa. #theasianparentph #pleasehelp#advicepls #DaddiesBoys #1stimedad