Papakasalan Ba Ninyo Ung Tatay Ng Baby?

Hi magulo ung isip ko ngayon kung papakasalan ko ba ung nakabuntis sa akin o hindi ng dahil lang sa bata. Hindi nia ako mahal pero handa siyang panagutan kami ng kanyang baby. Kaso andun ako sa dilemma na baka magsisi ako. Pero paano ko malalaman kung hindi ko naman itritry? Ano ang mga pwede ko ikondisyon sa kanya or pwede bang ganun? Sana po maadvisan po ninyo ako. Maraming salamat.

57 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mahirap magpakasal kung walang love. baka mag sama kayo ng laging nag aaway at magkasakitan, mahirap makawala. pag isipan muna ng 100x. ok lang naman panagutan kahit wala munang kasal. kung mag work mas ok pero if di naman at di talaga kayo, magkaroon nalang kayo ng magandang kasunduan para sa baby nyo.

Magbasa pa