Papakasalan Ba Ninyo Ung Tatay Ng Baby?

Hi magulo ung isip ko ngayon kung papakasalan ko ba ung nakabuntis sa akin o hindi ng dahil lang sa bata. Hindi nia ako mahal pero handa siyang panagutan kami ng kanyang baby. Kaso andun ako sa dilemma na baka magsisi ako. Pero paano ko malalaman kung hindi ko naman itritry? Ano ang mga pwede ko ikondisyon sa kanya or pwede bang ganun? Sana po maadvisan po ninyo ako. Maraming salamat.

57 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Maraming dapat iconsider pag magpapakasal sis, hindi lang dapat sa nabuntis ka lang kaya ka magpapakasal. Hintayin mong lumabas si baby at dun mo tignan kung maayos bang tatay at asawa ang papakasalan mo, panghabam buhay mong dadalhin yan kaya kailangan maging wais. Btw, congrats dahil maging mom ka na, focus ka na lang sa bata tutal sabi mo naman papanagutan ng tatay niya yan. 😊

Magbasa pa