Papakasalan Ba Ninyo Ung Tatay Ng Baby?

Hi magulo ung isip ko ngayon kung papakasalan ko ba ung nakabuntis sa akin o hindi ng dahil lang sa bata. Hindi nia ako mahal pero handa siyang panagutan kami ng kanyang baby. Kaso andun ako sa dilemma na baka magsisi ako. Pero paano ko malalaman kung hindi ko naman itritry? Ano ang mga pwede ko ikondisyon sa kanya or pwede bang ganun? Sana po maadvisan po ninyo ako. Maraming salamat.

57 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kasal is just kasal. Pero yung magsama kayo for life is a commitment na yung tunay na nagmamahalan lang ang makakagawa o makakasurvive. Kung pananagutan nya kayo, panagutan nya. As to sustento, convenient life and stuff. Saka ka na nya kamo pakasalan kapag mahal ka na nya at mahal mo na din sya. You can be parents to your child even without kasal. Pero, I am not supporting the act na magpabuntis o mambuntis lang tayo. Kasi once may mabuo, responsibilidad na natin bigyan ng maayos na buhay ang bata.

Magbasa pa