About ultrasound
Magpapa advice lang po. Nag request po ob ko na magpa utz po ako, last 2weeks ago 19w6d naka breech po c baby kya di nakita gender, then, nag advice po yung doc na nag utz sakin na bumalik ako after 2weeks para silipin gender ni baby,, dahil magpapakita na daw po ito ngayon week (no fee) and currently 21weeks6days now. At ito na nga po, naguguluhan po ako Kung BABALIK PO BA AKO don para SILIPIN. Kasi po sabi ng hipag ko wag ako bumalik don hinde pa nman daw makikita gender and masama daw po ang panay ultrasound. kasi siya daw po is naka 2 utz lang nong siya nag buntis. Samantalang ako pang 4 na pagmagpa utz ako ngayon week. Gusto lang dn kase namin malaman ng lip ko ang gender. Kaya di ako mapakali. 😁Salamat po!!! #pleasehelp #firstbaby #firsttimemom
Yung gender po ni baby naka depende talaga sa position nya. Kung pinabalik kayo ng OB nyo at No Fee naman pala tulad ng sabi nyo then follow your OB para ma monitor si baby.. 1st ultrasound ay Transvaginal ultrasound para makita kung bukod sa SAC eh my embryo na heart beat minsan pinapa repeat ng ibang doctor ang transv dahil ang ibang buntis po Hindi pa nakikita agad yung embryo at heartbeat. same sa CAS Congenital Anomaly Scan ultrasound na pinapa ulit din minsan kasi nga hindi makita gender dahil nga po sa position ni baby it's a case to case basis po. at pag malapit na kayo manganak mas marami check up at ultrasound din.
Magbasa paokay lang po bumalik baka sakaling makita na kaso ung iba from girl.... lalaki pala ( lahat po kase tayo nag uumpisa as girl pag dipa tapos development ng genital.) —- Though at the moment of conception baby’s gender can be determined. Wala po radiation ang utz kaya di nakakasama ( walang negative effect). Sound waves lang po sya.
Magbasa paSana nga po mam magpakita na hehe. Thank sa info.😊😊❤️
hindi po masama ang panay ultrasound.. wala po un radiation kase Soundwaves po ang gamit kaya sya tinawag na ultraSOUND.. wala po epek kay baby.. ako every month nagpapa ultrasound sa OB ko para mamonitor si baby 💙 18weeks nong unang nakita gender ni baby. tas breech din sya momsh hehehe
Wow😍😍 ang galing naman ni baby at least nagpakita pa rin kahit naka breech position siya hehe. Sana ako din magpakita na siya bukas👶😊salamat momsh sa sinabe mo, di na ako matatakot bumalik don kahit every month pa pala un🤣
bumalik k sayang po un,,saka mas alm ng ob ang gngawa nila kesa sa hipag mo,, walang radiation ang utz, hnd nmn mkaapekto s baby mo un,, same tyo nung una d nagpkita c baby ko 20weeks n non kc suhi nktikom p ang mga legs,, nkita gender after at 23 weeks ..
😊Yes sis, babalik na ako dun bukas schedule ko😊, malay nila magpakita na(sana) 😁 diko na lang sa kanila sasabihin, total magpapa gender reveal naman c lip don na nila malalaman at least tapos na ma utz, 😆
makikita na yan sis, 21 weeks ka na. buti pa ikaw pinapabalik without fee. ako kasi sabi sa next utz nalang tignan kasi tinakpan ni baby. safe naman ang utz sis. nasa sa iyo desisyon. basta sana di takpan ni baby 😊
haha same tayo ng position ng baby sis! 😊
ako nga po bali 6nabeses napo ako utz ko okaylangpo yan dahil hindi naman iaadvice ng ob yan kung masama . and noong 17weeks ako nakita na agad gender ni baby kahit nakabreech siya . and now im already 26weeks na .
Same tayo mamsh.. 17weeks lang din ako nun, in breech position nakita na agad gender ni baby.. dipa ko makapaniwala heheheh pero kitang kita talaga sa ultrasound gender nya.. tpos the nxtmonth pag blik ko kay OB tama naman ung gender.. ☺️
Since my first prenatal up to now nka 5x utz every checkup para makita si baby. Mas mainam nga yun para makita ang progress ni baby sa loob. Next month sched ko ulit for prenatal chkup. 😊
Gora sizt! Baby mo yan gawin natin lahat para sa baby natin🙏👶
natuwabako sa hipag mo.! wlang masama sa ultrasound ako nga every check up ko may ultrasound. kagandahan niyan nakikita mo si baby kung ano lagay niya.
ok lang po na maultrasound, ako din po every check up lagi may ultrasound at ok naman po kase OB naman po mismo wala naman po siguro masama, and ok din po sakin atleast monitor si baby sa loob ng tummy, nalalaman natin kung ano position ni baby , kung normal ba ang lagay ng baby at kung ok ba ang fluid 🥰
Wala pong masama kung lagi inu ultrasound.. mas okay nga po un nakikita si baby kung okay sya eh. ako nga po every month/Checkup inu ultrasound po.. ☺️
Holefully momshie..... kase may mga iba 8 mos na diparin nakita kase depende parin sa position ni baby, minsan nakaharang pa umbilical cord.... tyaga tyaga lang
😊Yes mommy! C daddy lang po kasi excited na malaman.😆 Inaaway pa ako, parang kasalanan kopa na hinde nagpakita🤪🤣