Staying for the Sake of Baby
Maglalabas lang ako ng sama ng loob. Semi lengthy to. Nakitaan ko siya ng pagiging husband and father material. No wonder nainlove ako sa kanya. Bago pa naging kami, nagjojoke na na siyang pakasal na daw kami. So ayun, di nagtagal eh naging kami nga. Sinabi ko sa kanyang mahal ko siya. "Thank you," ang sagot niya sakin. Nung una naintindihan ko na baka hindi pa siya ready. Nabuntis ako, nanganak, at tumira na sa kanila. Pero pag usapang kasal, tatawa lang siya. Hindi daw siya naniniwala sa kasal. Huh? Eh ano yung joke niya sakin noon? Talagang joke lang? Pero gusto niya masundan pa rin ang panganay namin, kahit ilan pa. Inaalagaan niya ako. Inuuna niya kami ng anak niya. Ayaw niyang nahihirapan ako sa pag aalaga ng anak namin. Sinubukan ko ulit mag "I love you" kanya. Wrong feelings daw, sabay tawa. Nakitawa ako pero masakit. Ayaw niya ako pakasalan. Hindi niya ako mahal. Dapat pa ba kaming magstay? Paano na ang anak namin? Paano na lang pag laki niya at marealize niyang hindi mahal ni papa si mama? π