alone

Maglalabas lan ako ng sama ng loob mga momies. Nadedepress ako. Ramdam ko ako lan mag isa. Un tatay ng baby ko parang walang pakealam. Puro salita kulang sa gawa. Ngayon nakabedrest ako pero wala man lang ako maramdam na concern nya. Puro chat lan na pahinga ka tpos na. Ni hindi nga ko magawang puntahn sa bahay para kmustahin ng personal. Reason nya kesyo puyat sya madling araw uwi nya. Pero pag may gagawin kahit magdmag gising yan kaya nya. Kaya every time na nagkakausap kmi nagaglit ako sa kanya hindi ko maiwasan hindi magalit. Sorry dito na ko naglabas ng sama ng loob. Nahihirapan na kasi ako.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

aw, mahirap yan lalo na't buntis ka tapos ganyan pa mafefeel mo. much better is ifocus mo nalang muna sarili mo sa mga bagay na pinagkakainteresan mo, read books and articles about sa pagbubuntis mo or watch vids, o kaya mag-exercise ka lang, lakad lakad. don't focus masyado sa stress and sama ng loob, hindi maganda sayo yun LALO na ke baby, sya ang kawawa kase kung ano nafefeel mo, nafefeel na din nya yan sa loob. kaya as a mom, and i know you love your baby naman, ke baby ka nalang muna magfocus. then pag okay ka na, siguro time nang kausapin mo partner mo and ilabas mo yung nararamdaman at hinanaing mo, try nyong ayusin, try mong ipintindi sa kanya. nasa kanya nalang yun kung magkakaroon ba sa kanya ng effect yun, para man lang sayo and ke baby, kung love nya din talaga kayo.

Magbasa pa