53 Replies
Sa isang araw 200 para sa pagkain namin sa isang araw Bale 200x30=6k Tas may mga frozen ako binibili para sa umaga. 950 sa school ng panganay ko 6,950 Grocery umaabot ng 1-3k sabihin na natin nandun na yung frozen gatas ng anak ko at gatas ko anmum baon ng anak ko sa school mga shampoo, sabon, panlaba basta needs sa bahay. Bale 9,950 tas baon ni Hubby 200 kasama na pamasahe bale another 6k yun. Bale 15,950. Tas 200 everyweek na service ng anak ko bale 800 sa 1buwan 15,950+800=16,750 tas checkup ko sabihin na natin 2k edi 18,750. May bahay pa, kuryente,tubig. Paano pa ako makakaipon. Kaya minsan nakakapag utang kami. Wala pa akong luho nyan. 😢😢
Sahod ni LIP depende po, pag 15 medyo mataas pero pagkatapusan mababa nalang umaabot nga minsan 4k tapos bayad pa sa motor, kaya saktuhan lang pero kapag every 15 naman may naitatabi pa naman kami kahit minsan 9k lang minsan nga 7k lang. Bago kami mag grocery hinahati ko na yung pang bayad ko sa check up at vitamins namin ni LIP at pang bili ng bigas para may budget lang ang grocery minsan kase panic buying din ang tema namin 😅. Yung tira pang baon niya sa work at pang gas. Sinasabihan ko pa siya wag magtipid kapag may gusto siya kainin bilhin niya lang.
nasa akin atm nya.. ako nagwithdraw, nakakapagtabi naman kaso may time na may mga di inaasahan na gastusin, Binibigyan ko lang sya allowance pang 15days nya. hirap lang minsan se mahal ang bilihin kea di pa ganun kalaki ang ipon, pero di issue ang pera samin ndi namin pinag aawayan open kasi kami sa lahat.. pinagresign se nya ko, sabi ko kung di nya ko pinagresign dalawa kami nagwowork at dalawa kami nag iipon.. kea lang se all around sa work namin delikado dn para sa pagbubuntis ko kea un nagresign tlg ko.
Sweldo kasi ng hubby ko every saturday , everyweek sila may sahod ! sinasahod naman nya mga nasa 4500 minsan kapag may OT mga nasa 5k na. okay naman nakakbili naman kami ng pangangailangan namin sa bahay tulad ng bigas pang ulam araw araw🙂 saka nakakapag tabi rin kami minsan kaya lang syempre di naman laging maluwag kaya minsan na dudukot ko yung tinatabi ko. tas ngayon na preggy ko pang isang linggo lang talaga namin sahod nya haha 😁 dami ko kasi gastusin manganganak pako😅
30k monthly ni hubby binibigay naman nya ng buo tas everyday binibigyan ko lang sya ng 100 budget nya kasi free meals naman cla at minsan 200 binibgay ko pang gas nya yung 100 tas may naka ipit na 1k sa wallet nya just in case pero until now hindi nya pdin nagastos yun. Sa ngayon medyo mahirap mag budget kasi kelangan namin mag ipon para sa panga2nak ko at madami pa kaming bayarin motor,kuryente,tubig at T.V pero ok naman ma swerte ako at masipag at mabait ang asawa ko.
Aside from the money to pay the bills, he gives me "sweldo" for being a good wife. 😹 10k per cut off, sa akin daw yun kasi nahihiya sya na wala na akong pang gastos sa mga kailangan ko. I used to earn more than he does but I had to quit kasi breastfeeding at meron akong separation anxiety kay baby. Pero yun 10k sa toys and other abubuts din ni baby napupunta, wala din ako nabibili or nasasave for me. 😹
16k sweldo ni hubby. Ako, as a work at home designer 35k monthly. Kuryente- 2k Internet- 1.8k Rent-4.5k Tubig-300 Insurance ni hubby- 3k Hulugan- 1.4k Tapos nagsusupport pa kasi ako sa family ko kasi panganay ako- 10k Total: 23k Sa sweldo ko lahat yan bawas. Yung tira na 12k yun pinagkakasya ko sa pang-araw araw na gastusan at pagkain etc. kasama na grocery. Buong sweldo ni hubby, savings namin.
40k budget/allowance monthly kasama na bills ng kuryente at internet umaabot ng 8k lahat ng bills. Bale marami pa natitira kaya binabangko ko tapos pagkaen namin ng anak kong panganay kasi asawa ko sa work na kumakaen. Dami din gastusin lalo na october manganganak na ako pero buti na lang di mahigpit sa pera asawa ko siya humahawak ng sahod niya tapos bibigyan ako 40k everymonth.
Sakin po buong sahod nya which is 20k kada cut off. Di ko naman po kinukuha lahat since nasa ATM lang naman. Pero from time to time po lagi nya pinapakita sakin balance ol banking and nagpapaalam sya if may paggagamitan sya ng pera. Pareho naman po kami working so di ko sya pinaghihigpitan sa pera. Hati din po kami sa pagbabayad ng bills namin 😊
Try to pinpoint po kung ano ano ang nga priorities expenses nyo... Ilist down nyo po ung mga nagagastos nyo everyday, everyweek, every cut off and every month.. Kapag ung mga expenses na un is lahat priority baka need nyo na mag hanap ng other sideline. Kung sa list nag gastos mo eh makita mo na my hindi nman ganun kailangan. Iremove mo na.
Sa isang araw 200 para sa pagkain namin sa isang araw Bale 200x30=6k Tas may mga frozen ako binibili para sa umaga. 950 sa school ng panganay ko 6,950 Grocery umaabot ng 1-3k sabihin na natin nandun na yung frozen gatas ng anak ko at gatas ko anmum baon ng anak ko sa school mga shampoo, sabon, panlaba basta needs sa bahay. Bale 9,950 tas baon ni Hubby 200 kasama na pamasahe bale another 6k yun. Bale 15,950. Tas 200 everyweek na service ng anak ko bale 800 sa 1buwan 15,950+800=16,750 tas checkup ko sabihin na natin 2k edi 18,750. May bahay pa, kuryente,tubig. Paano pa ako makakaipon. Kaya minsan nakakapag utang kami. Wala pa akong luho nyan. 😢😢
Anonymous