Ang pagiging Nanay.

Magiging mas matipid ka sa sarili. Ayaw mong gumastos para sa sarili, luho man o kahit kailangan pero kapag sa anak mo, walang tipid-tipid. Halos kalahati ng laman ng cart mo sa grocery ay pangmiryenda nila, gusto mo bago ang damit nila kapag birthday, pasko at bagong taon, hindi mo mapigilan ang sarili minsan kapag nakakakita ka ng sale ng damit pambata, ayos lang na repeat performance ang mga damit mo basta alam mong maayos at kyut na kyut silang mamumustura. Magiging mas maawain ka. Kung dati, di ka tinatablan ng mga teleserye sa primetime, ngayon, iyak-iyakan pa lang at mukhang nagpapaawa ng anak mo, lumalambot na ang puso mo. Mabilis kang dalhin ng maliliit na yakap at mamasa-masang halik sa pisngi ng mga maliliit na taong ito.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

True mommy. ❤