Normal lang ba na hindi ka payagan ni mister sa desisyon mo?

Magandang hapon po, normal lang ba na hindi ka payagan ng mister mo kahit gusto mo ng umuwi sa side ng parents mo? Gusto ko na kasi sana umuwi sa bahay ng mga magulang ko kasi gusto ko na doon ako manganak at si mama ang mag aasikaso sakin. 6 months pregnant po ako sa 1st baby namin, gusto ko na sana umuwi sa amin kasi pakiramdam ko kulang yung sustansiya na nakukuha namin ng anak ko pag dating sa pagkain. palagi nalang isda na galing sa pandadala ang ulam namin dito. minsan ayoko ng kumain pero hindi pwede dahil kailangan para sa anak ko, sabi naman ni mister uuwi kami sa side ko kapag malapit na ako manganak. Kaso hindi ako komportable sa kinakain namin dito. some advice po please😔 #1stimemom #firstbaby #pregnancy #advicepls

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hi momsh. Nakakalungkot naman po na hindi ka po pinapayagan. Sakto naman po na kinausap mo si mister. Siguro po try niyo din po sabihin sa kanya ang buong dahilan bakit po gusto ninyo umuwi sa inyo. Like yung pagkain jiyo po palagi ng isda. In that way, mas maintindihan niya. Sana maintindihan niya din.

Magbasa pa