pabalik balik na lagnat

magandang gabi.. sino po same case sa pamangkin ko isang buwan na mahigit pabalikbalik lagnat niya pina check up na namin. na admit na siya na abunuhan na siya ng dugo sa dahilang mababa ang himoglobin at mababa ang platelet.hindi siya makalakad o makatayo. lagi niyang iniinda na masakit mga binti niya. lahat na ng test ginawa maliban sa bone marrow hindi pumayag ang parents ng bata dahil sabi ng doktor hindi nila masesegurado na leukemia. ano pa pwde namin gawin nakaka awa na ang bata? edited: nagawan na ng bone marrow aspiration at biopsy negative parin.

6 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Naku, nakakaawa naman ang pamangkin mo. Maaari talagang maging nakakabahala ang pabalik-balik na lagnat lalo na kung may kaakibat na iba pang sintomas tulad ng pagiging mahina at masakit ang mga binti. Napakabuti na na-admit na siya sa ospital para maagapan ang kanyang kalagayan. Sa ngayon, mukhang kumpleto na ang mga ginawang pagsusuri maliban sa bone marrow test. Alam ko na hindi pumayag ang mga magulang sa pagsasagawa ng test na ito, ngunit maaaring maging mahalaga ito para makuha ang eksaktong diagnosis at tamang lunas para sa kanyang kondisyon. Ang leukemia ay isang seryosong sakit na kailangan talaga ng agarang pagtukoy at lunas. Maaring maki-usap ang mga magulang ng bata sa doktor upang maintindihan nila ang kahalagahan ng bone marrow test at kung paano ito makakatulong sa mabilis na recovery ng kanilang anak. Sa ganitong sitwasyon, mahalaga ang open communication at pagtutulungan ng lahat ng sangkot sa pag-aalaga sa bata. Sana ay mahanap agad ang tamang solusyon para sa kanyang kalagayan. Ipagdasal din natin ang mabilis niyang paggaling. Mahirap talaga na makita ang isang bata na nagdaranas ng ganyang karamdaman. Sana ay maging maayos ang lahat sa huli. Mag-ingat kayo palagi at taimtim na ipanalangin ang kanyang kaligtasan. https://invl.io/cll6sh7

Magbasa pa
2w ago

nagawa na po ang bone marrow still negative parin pangalawang beses head na po ng hematogist ang nag examin ganun parin po negative wala rin cla ibang option ibone marrow daw ulit hayst

VIP Member

Kung gusto po talaga malaman, gawin na lang po yung suggestion ng doctor po. Kung ayaw naman po talaga, pa test na lang po uli sa ibang hospital at kung i- suggest po uli yung sa bone marrow test, gawin na lang po talaga para malaman yung cause ng pabalik balik na lagnat

ganyan yung anak ko dati. sakitin at laging nanakit yung binti niya na halos di na makalakad. niresetahan ba kayo ng vitamins for calcium and iron po?

2w ago

mahina po immune system ng bata at dahil madalas siya lagnatin lalong bumababa yung red blood cell. mahina po ba kumain yung pamangkin niyo? pag po nakalabas siya wag niyo pawawalain ng vitimins at pakainin ng gulay lalo na po yung talbos ng kamote very effective pampataas ng dugo. everyday niyo din po painumin ng gatas at pakainin ng banana.. yung anak ko 13yr/o na jusko ako na umaawat sa pagkain. maganda pangangatawan niya at di sakitin.

nagawan napo ng bone marrow dalawang beses negative lahat wala iba option hematogist ibone marrow ulit hayst!

kawawa naman po pamangkin mo.try po kayo ng 2nd opinion from other doc..keep praying po..

you can ask for 2nd opinion. suggestion, PGH.

4w ago

mindanao po kc kami, mati city davao oriental