RASPA o Uminom ng Beer?

Magandang Gabi po, Long story po sana may makapansin. Nagultrasound ako kahapon kasi may 2 days discharge ako, 1st day parang white mens pero gray color, 2nd day parang pahabol pero konti lang no need ng napkin. 3rd day ako nagpunta sa OB ksi yun sched nya. dapat 10 weeks na ito June 5 po 1st day ng last period ko. Sa IE, 1cm open cervix na daw ako at pinaultrasound nya agad ako. Lumabas sa TVS Ultrasound ay 6 weeks ako with no heartbeat. Siguro to give me hope, 1 week babalik ako may reseta lang Folic Acid at Duphaston (pampakapit). Ininom ko pag-uwi ko at next day this morning 6AM lumabas na ung buo na dugo. 11 AM napuno pads ko tinagusan na shorts ko at may buo pa din. 1PM napuno pads ko tinagusan na din shorts ko at may buo pa din. 4PM napuno pads ko walang buo. 7PM napuno pads ko may buo na dugo pa din. Question sana sa mga may experience. As per advice ng OB Raspa na daw po kaso 35k dahil sa bleeding ata concern lutang kasi ako. Kakaenroll pa lang pa nman ng mga anak ko wala tlaga akong pera. Sabi naman hipag ko inuman ko ng beer 4 daw, normal na daw lalabas. * wala naman po akong fever, di naman masakit puson ko, pwde ko idescribe na parang normal menstruation lang medyo may cramps pero di gaya ng pag meron ako sobrang sakit. * nawala na un sobrang pain sa boobs ko na parang Pinupunit na laman * 38 yo nako housewife no illness * kids 18 and 9, thren last 2020 nakunan ako, di naman ako niraspa 1 mo lang pregnant non. (Di ko na kasi maalala at ayoko na maalala ngyari noon dahil ang sakit pa din sa kalooban ko). Then now ito nakunan na naman. Nakakadepressed. * #raspa #6weeks #10weeks #Noheartbeat

RASPA o Uminom ng Beer?
2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

last year nkunan din po ako at 9weeks sa bhay plng alam ko na lumbas na lhat kc andun na c fetus ko at inunan pero pumnta pdin kmi ng aswa ko sa ob un cnabi ko nagyri suggest nia pa tvs ako to see if may naiwan pba sa loob n kjt anu dhil kung meron irefer nia ko na maraspa.pero thanks god at complete passing out nmn daw nangyri at mlinis na sa loob dna nia ko pinaraspa resita nlng gamot 1 week tas vitamins na hnggang sa mbuntis ulit ako.

Magbasa pa
3y ago

Ayoko na di na kame aasa ng susunod. Ilan taon na kasi ako. Youngest bro ko, 40 mama ko nung nanganak sakanya noon may Down Syndrome siya namatay ng 1 yr old. Takot na din ako. Pag uwi ng asawa ko next year 39 nako kaya wag na lang umasa. Gaano kaya katagal bago maka move on, d ako maka move on. 💔💔

Mommy makinig ka sa OB mo. If need mo magpa raspo parefer ka sa public hospital or baka meron syang mas mura na alam. May philhealth ka ba or si hubby? For me, Safety mo ang priority at wag uminom ng kung ano-ano. Need to make sure na wlang maiwan sa loob. Sorry mommy

3y ago

Try ko nga po mag inquire sa public. Kahit wala akong nararamdaman, medyo worried din ako may nabasa kasi ako pag napupuno 1-2 oras ang pads. sa observation ko now 3 hrs almost papuno na. bukas nako maghahanap sa public. bat ba ang mahal ng raspa parang nanganak. philhealth ko naka single pa. Un husband ko matic ba na covered ako? D ko ksi sure if na married na niya un, hawak ko na record single pa un nasa print out, try ko naman reg s website account not found naman. akala ko okay nako, nakakaiyak naman gabi na nman kasi. salamat po

Post reply image