Is my baby okay?

Magandang araw po. Last time po kasi, sa sobrang tuwa po siguro ng coteacher ko, tinusok niya ng dalawang daliri yung tyan ko, and medyo madiin. Tapos nung napa-aray ako, sabi niya ,may harang naman daw si baby. Biglaan kasi niyang ginawa yun kaya di ako nakaiwas. Ngayon, worried na worried po ako kung okay ba si baby, at naiinis ako dun sa coteacher kong yun kung bakit ginawa niya yun, knowing na dumaan siya sa pagbubuntis.πŸ˜‘πŸ˜” Ano pong masasabi ninyo? Salamat po sa tutugon... I hope my baby is fine po.#1stimemom #pleasehelp

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

I think din po safe naman si baby. Pero medyo wala po sa lugar si co-teacher niyo. May mga tao talagang di alam ang meaning ng boundaries. Ako personally, kahit himas ayoko sana ginagawa ng ibang tao kasi kumbaga personal space ko yon eh. Unless sana magsabi sila bago nila gawin. Pero minsan, nambibigla pa sila. Pwede magpaalam muna??? hahaha g na g din po ako. Ang ginagawa ko na lang, nagsusuot ako mommy ng belly support, medyo makapal kasi yung akin. Sabi din kasi ng ob ko, di daw okay sa iba ang magpahimas ng tyan or magpahawak, minsan it can cause contractions.

Magbasa pa