Kailangan bang may bank account para ma claim ang SSS maternity benefit?

Mag aaply po sana ako through online ng SSS Maternity Benefits, since pinuntahan ko na ung sss branch dito samin, inayos ung mga dapat ayusin para maka pag apply ng Mat. Binigyan lng po ako dun ng guide kung paano mag apply and through online ko na daw po gawin. Pag uwi ko po dito sa bahay nag try po ako sinunod ung mga guide, kaso dun sa "disbursement account enrollment" need mag upload ng selfie na may hawak na isang valid id at isang bank card(gagamitin sa pag claim ng sss benefits). Ung mga bank card ko po BDO and Metrobank invalid na po sila since bigay po un sa company nutnh nag tatrabaho pa ako... Di ko po ito naisipang itanong dun sa guard or assistant dun sa SSS since ngayon ko lng na encounter....tanong ko lng mga mhie, need ko po bang nag open ng bank account? Hindi po ba pwedeng sa Gcash or Paymaya,etc. ?

42 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ang tanda ko po, need ng bank account nga. yung bdo at mb mo po na accounts, wala ba laman? pina-close ba yung accounts after mo mag-resign? kasi yung bdo account ko sa dating company ko, gumagana pa (ang alam ko, from a salary account, naging regular account sya after ko mag-resign). bale mine-maintain ko din, di ko hinahayaang mag-zero balance sya. palagi ko pa rin gamit for online banking; yun rin ginamit ko as disbursement account sa sss. di ko na matandaan kung pwede e-wallets e. wala ka po nakita sa options?

Magbasa pa
2y ago

nakapag enroll na ako mhie ng disbursement account and gcash ang inenroll ko..na aaproved nmn na sya ni SSS after 3 days...pero if ever magiging hustle ang pag claim ng Benefits through gcash, need ko ba ulitin ang pag eenroll ng disbursement account?

yes po sis need mo may sariling account ka para sa maternity benifits po at maclaim sa mismo sss branch po ikaw pumunta para maguide ka,and yung atm mo sa company hindi po pwede kasi pang payroll lang po yan atm mo.then pag nakakuha kana ng sarili mo atm punta ka mismo sa sss branch na malapit po sainyo,para din mavalid yung sss number mo sis need mo may sarili contribute ka sa mismo sss mo maghuhulog ka sis para hindi ka mahirapan sis mag paguide po ikaw.

Magbasa pa
Post reply image
2y ago

hingi ka sis sa sss branch ng letter of introduction ata po yun para sa atm mo,may bayad po 150 then deposit 500 depende po sa atm na kukunin niyo,sakin po kasi landbank after ko makakuha pumunta ako sss

mga mi tanOng lang panO po if feb-august lang nababayaran pa tapos resign ako sa work ko ng sept. bali wula pako hulog ng sept.-dec ngayung 2022 need poba bayaran ung contribution gang sa maka anak ako para may maclaim akO sa sss mat1 ? kc eddd kopo jan25 ee sept-dec natigil ako maghulog pero may balak naman akO maghulog para machange status ako doon na voluntary ?

Magbasa pa
2y ago

sige po salamat mi try ko nalng den puntahan ung sss branch mismo para din makapag inquire ng ayus ☺️😊

VIP Member

sken gcash dn ang gagamitin ko..pero need ko muna matransfer yung surname ko to marrie( i mean surname ng asawa ko)kasi un ang gamit ko sa sss ko na.,pati id.,kaya waiting pa sa UMID replacement ko.,sna dumating bago ako manganak 😅😅.,pede dn nman sa mga remittance or bank pede ka ulit magopen mas ok sa land bank..

Magbasa pa

Pwede po ang Gcash pero dapat nakapangalan sayo at verified. Sa aakin naman ang ginamit kopo noon ay Pag ibig loyalty card, union bank po iyon. Yun dn po ulit ang gagamitin ko loyalty card ko pinaserox kolang po ung ID ko nun na kita ung acc#.

tanong lang din po sa mga nakagamit na ng gcash, gaano po katagal upon approval dumating ung mat.ben nyo? mag nonotify or msg. po ba si sss bago ipadala? nakakatakot kasi sa gcash may issue na nawawala yung laman na pera

2y ago

nung dec 9 ako nag notify at nag enroll ng disbursement account...sa January 23 edd ko and na aaproved sya ngayong dec 13

Mag open ka nalang mi ng bank account. madali lang naman po. Unionbank and yung Hello Money ng AUB mabilis lang. Hello Money ng AUB gamit ko nung nareceive ko mat ben ko. punta ka lang sa pinakamalapit na branch

Need po NG bank account or pwede din po gcash sakin po nong nakunan ako ung pnb account po ang binigay ko approved nmn sa kanila nakakuha po ako ng 39k matagal nga lang process almost 5months bago nakuha

TapFluencer

Pwede po yung gcash nyo kung meron kayo. Sa January po EDD ko and gcash ang inenroll ko sa disbursement ni SSS para sa Mat. Benefits.

2y ago

ganyan din ako mhie gigil ako kc di tinatanggap laging more than 3MB naka ilang kuha kami ng picture and sa wakas natanggap na rin ni SSS pati ung file name need palitan hindi dapat mahaba

TapFluencer

May mga groups sa Fb mhie about SSS maternity benefits, nabasa ko dun na pwede sa Mlhuilhier as long as meron ka valid ID. Try nyo po mag join.. Marami kayo matutunan sa ibang mommies

2y ago

May official social media account po ang SSS kaya wag kayo sumali sa kung ano-anong groups para makaiwas sa misinformation. May FAQs dun.