40 weeks
Mag 40 weeks nako this wed pero wala pang kahit anong bagong nararamdaman na. Ang sakit na ng likod ko, sakit ng pwerta, masakit na pag gumagalaw si baby. E malaki pa naman siya. Mahirap na pumwesto pagmatutulog na. Lagi ako kulang sa tulog kasi ihi ng ihi, and change from left to right na paghiga kasi sumasakit side sa may pwet. Mahirap na bumangon, tumayo, maglakad, umupo, or kahit humiga. Haay. Lahat ng yan normal na sakin, since 34 weeks yata ganyan nako. Naninigas din tiyan ko, pero normal na din kasi. Mababa na tiyan ko, and sabi ni OB nakapwesto na si baby nung 34 weeks pa. Kaya masakit na sa pwerta talaga. Edd ko this Wednesday, Marcha 25. Sana makaraos na ko. And sana kayanin kong normal siya. Ano nga ba point ko? Wala lang. Gusto ko lang magshare. ?