PINAHIRAM
Mag 3mos. na pero prang kahapon lang nangyari ang lahat. At exactly 37weeks nung dinugo at excited ang lahat na manganganak na ako kaya naman kahit isa lang pde pumasok sa hospital ay naging willing ang iba na sumama at maghintay sa labas ng hospital pero na fetal distress ang baby namin kaya emergency cs at sinubukang lumaban at tumagal ng ilang oras. Kaya sobrang lungkot at hirap tanggapin na pumasok aq sa hospital na dala2x ko sya sa sinapupunan pero lumabas sa hospital ng wala sya sa mga kamay ko. Hindi ko man lang sya nahawakan, nayakap at hindi ko man lang narinig ang kanyang pag iyak kaya inggit na inggit ako sa mga nakakasabayan ko lumabas ng hospital na dala2x nila ang kanilang bundle of joy kasama sa kanilang pag uwi. I know that heaven needed her more kaya pinahiram lang sya sa amin. Alam kong walang imposible pero yung pagkadurog ng puso naming mag asawa ay hindi na mabubuo. 💔 Gusto na po namin masundan yung nawala naming panganay pero after 2yrs pa. 😥 Baka po may mas maaga pa sa 2yrs gap. Sino po jan less than 2yrs gap nanganak ulit after CS? Kamusta po pregnancy journey nyo nun?