Nagtatae ba si baby o normal lang?
Madalas magpupu si baby. She's 16 months old now. May times na kakabugas lang ng pwet at kakapalit lang ng diaper, pupu na naman siya. Minsan, 3 times sunud sunod yon. In a day parang di bababa sa 5 times ang pagpupu niya. Di pa siya masiyado sa solids. Nido Jr. ang milk niya. Di naman humihina consumption niya and di din siya nanlalata. Pero nakakabother lang din. Di na din gumqgaling ang rashes niya sa pwet. Maglalighten up pero di tuluyan mawawala tas bigla gagrabe na naman. Sudocrem nilalagay namin pamahid. Normal lang ba ang pagpupu more than 5 times a day for a 16month old baby or dapat na ba ipacheck up sa pedia? Any other reco sa cream for rashes? #pleasehelp #advicepls #firstbaby