Okay na po ba manganak pag 35 weeks and 5 days?
Mababa na daw po kasi yung amniotic fluid ko kaya need ko na daw maadmit sa hospital. Pwede ko po kaya inormal delivery ito or CS po talaga? Please pashare po ng experience nyo. Please pray for me and my baby na din po. Thank you! πππ #1stimemom #advicepls #firstbaby #pleasehelp #pregnancy
Technically preterm pa mommy, mas okay talaga if aabot ng 37 weeks. But if hindi na talaga kaya mapatagal yung pregnancy, need na manganak due to some reasons okay okay na din naman ang 35-36 weeks. Maganda lang mabigyan ka pa nun pangpatibay ng lungs ni baby bago ka manganak. Pray lang na healthy si baby if talagang need na manganak. Gaya nga ng sabi mo mababa na amniotic fluid level mo, mas magiging harmful yun for baby if mapapatagal pa yung pagbubuntis kasi umoonti na yung panubigan mo.
Magbasa paako naman po 40 weeks 2 days na pero walang signs of labor. no pain at all, pero emergency cs kasi 2cm na lang tubig ko pakonti ng pakonti, pag umabot ka ng 37 weeks mam okay n lahat good luck godbless sainyo ni baby, congrats na din sa paglabas ni baby take care
Ako po nanganak 34 weeks, nag open po cervix ko 7cm po agad ako kaya lang premature naka incubate sya 7days at nag aantibiotic, sa awa ng dyos malakas sya at wala naging problema o sakit at makakalabas na siya ng hospital sa friday π₯Ίπ
Thank you for responding sis mamsh. Napapraning kasi ako, maaga pa kahit abutin sana ng 38 weeks. Nakaadmit na ko ngayon, mamaya iuultrasound ako tsaka baka i-IE na din. Diabetic kasi ako kaya high risk. Buti sis nakaraos kana. please pray for me and my baby. πππ
atleast po sana 37 weeks si baby full term napo yun. ako naka sched na on my 37th week via cs delivery kasi low lying naman po ako. mejo high risk din po. im currently 36w1d
same tayo sis, 35weeks 5 days, open cervix na ko 1 cm. nahilab tyan ko at masakit puson π sana umabot kahit 36 weeks.. pero sana makapag fullterm π
Meron naman mami nanganak ng 35 weeks ok naman baby nila healthy naman. Sguro dipende din po yan kay baby. Pero sana healthy sya ππ» Pray lang po!
ako po 36 weeks and 2days pero nag labor na ako..pero pinatake ako nang pampapigil ng hilab kasi kulang pa da weeks. kahit man lng mag 37weeks daw si baby.
Pray lang po tayo mommy na maging safe tayo and si baby.β€οΈ
mas safe daw po kung 37weeks to 40. pray lng mamsh π pero kung malakas naman si baby pwede naman kahit 36 weeks.
Ask your doctor po. Medyo alanganin daw po ang 35 weeks. https://ph.theasianparent.com/what-is-preterm-labor
Ako po 36 weeks CS sa panganay ko. Hindi naman po na incubate si baby... Mababa na din amniotic fluid ko..
RN | First-time Mom | Stay-at-home Mom | Mommy of an energetic little girl