an open letter to my mom

hi ma. Ilang oras na lang, birthday mo na. ? happy birthday ma, i miss you and i love you. Sana wag kang malungkot, alam kong di ka okay ngaun, na naguguluhan ka sa lahat ng bagay. Even after everything, I still care. But I can't show it. Nasasaktan ako, pero kailangn kitang tiisin or I will lose myself kung tatanggapin ulit kita. ? I wish I could send my guardian angel to deliver that message to you right now. The day na nalaman kong buntis ako, mas minahal kita at naintindihan ko lahat lahat ng bagay na kinaiinisan ko sayo dati, nawala ang sama ng loob ko sayo kase naramdaman ko ung sacrifices mo nung pinagbubuntis mo ko. I was happy na finally, dumating din ung time na sinasabe mo na balang araw, maiintindihan ko din. Gusto kita makita and tell you na buntis ako, sa lalaking mahal na mahal ako, at mahal na mahal ko din. Pero natakot ako noon, kase never kong ipinaalam sayo na may boyfriend ako, (diba nga sabe mo, saka lang ako pede mag asawa ka0ag nakabili na ko ng lupa at bahay, at tapos na magcollege ang bunso? eh grade 7 pa lang si **** , ?)ung mga kapatid ko lang ang nakakaalam, ipakikilala ko dapat sya pero tuwing aayain kita sa labas, ayaw mong sumama. You rather spend your day with dad, kahit na ang bihira kong umuwe. at sa tuwing uuwe ako, bukod sa perang pinadadala ko sa inyo every payday, tuwing uuwe ako, yun pa din ang bati nyo. Kailangan ni dade ng ganito, wala tayong ganito, may babayaran tayo dito, umutong ako ng ganitong amount,. etc, puro bayarin, ? kaya tinamad na din ako umuwe, kahit ang ilang oras lang ang byahe pauwe, mas pinili ko na wag na lang. Lage ko nga tinatanong sa sarili ko, kung anak pa ba ang turing sa akin? di ba pedeng umuwe ako kase namimiss ko kayo? pero bakit ang tingin nyo sakin ay isang atm machine? ni hindi nyo nga makamusta or matanong kung nakakain na ko, tuwing magchachat kayo, puro na lang hingi or bayarin. Kaya siguro nagdecide ako na magsarili. Na bumuo ng pamilya na akin, kase kung hindi pa mababago ang buhay ko, baka matagal na akong wala sa mundo na to. ilang beses akong nagtangkang magpakamatay, araw araw, sinasabe ko kay God na pagod na ko. kunin na lang nya ako, di matuloy ang tangka ko sa buhay ko eh. kaya sana, maaksidente na lang ako or what. But instead, i met this man who eventually became the father of my child. I am so happy na despite my distrust to men, because of your husband(yes, my dad, na minolestya ako nung grade school ko, na even i told you about it, you still believed him instead of me), Eh I'm still capable of trusting and loving a man... kaya sabe ko, I'm not going to let go of this man. I'll stand by his side till the end so aun na nga, when I finally got the courage to tell you na buntis ako, you never spoke a single word nor showed me any reaction. I can't even read what's running in your mind. It's better if you would insult me or what but showing no reaction? I was devastated ? still, kinaya ko dahil gusto kong ituloy to. And kailangan ako ng anak namen. so my journey being pregnant was not easy. Konting inda, punta ng doctor to make sure baby is okay. Walang mag gaguide sa amin eh. Every single minute I was thinking of you mom, iniisip ko if naiisip mo ba ako,? kung kumain kana ba? masaya ka ba? mga ganung thoughts.. months passed by, kabuwanan ko na, and i had this faith na di mo ko matitiis as per encouragement from my friends. So i tried to talk to you again, and I was so happy na kinausap mo ako... i can't even be any happier nung sinabe mo na pupuntahan mo ko, I felt secured. Kase kahit andyan si hubby, i still wish na andyan ka habang nanganganak ako.. but... i was wrong. Sana hindi na lang ako nag approach ulit. sana hindi mo na lang ako tinggap. sana hinayaan mo na lang ako. Kase I never thought that youbwoukd get your revenge on my most vulnerable situation.. days after i got discharge from the hospital, umuwe n din tayo ng laguna. kasama si hubby at baby. I thought that you're going to take care of me, but i was wrong. pinabalik mo lang pala si hubby pabalik ng manila to work again, (kinabukasan)then after nyang lumuwas, umalis la din para mag babybsit sa anak ng pamangkin mo. (cs ako ma, apat na araw from my operation), you let me take a bath myself, madalian mo pang paliguan si baby. and dad? aun, andun sa babae nya. i was left alone with my baby, habamg limited ang galaw ko, habamg dinudugo ako, luckily, andyan mga tiyahin ko para malapitan, i even told them na hinahangin ang utak ko and i was chilling sa tanghaling tapat, sabe nila nabibinat ako, when they tild you that, sinabe mo pa na ako din my kasalanan, kase galaw ako ng galaw, ma, panong di ako gagalaw? cs ako at wala ako kasama sa bahay, inaalagaan ko pa si baby, ung mga kapatid ko, isinama mo pa dyam para samahan ka mag alaga ng apo mo. samantalang ang asawa ko nasa manila, panatag na aalagaan mo ko pero hindi pala. So kahit at risk na mawalan sya ng worl, Inasl him na magleave para umuwe at samahan ako... so nagfile sya ng leave at umuwe para alagaan kame ni baby. akala ko tapos na dun ang lahat.. pero di pa pala.. (tbc... p.s. minsan kahit masama na loob mo, pag nagising si baby, mas uunahin mo sya eh hehehe...)

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

😭😭😭