Buttered Shrimp

Luto muna habang nilalaro ng tatay si lo. Mabilisan lang na luto kasi mamaya ngangaw ngaw na naman si baby. Kayo anong hapunan nyo? ?

Buttered Shrimp
27 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hiwain po ng maliliit ang bawang. Tapos kumuha ng frying pan, tunawin ang butter at igisa sa butter yung bawang. Pagka unting brown na ang bawang ilagay na shrimp. Lagyan ng asin at paminta. Haluin sa pan yung shrimp. Nilagyan ko ng dried parsley leaves. Pwede nyo lagyan ng siling pahaba kung gusto nyo. Tapos lagyan ng unting tubig para may kunting sauce, pakuluan. Yun lang. Mabilis maluto ang shrimp. 😊🍤🦐

Magbasa pa