Bigla nalang umayaw sa pagdede si baby ko (17 mos)
Looking for parents here na almost same ng scenario. Story: Usually nakaka 25-30 oz si LO daily. Nido ang gatas nya. Medyo mahina sya sa solids, pero nacocompensate naman ng gatas sabi ni Pedia, so ok lang naman. 2 weeks ago, sinipon sya, then inubo. Nag-antibiotic sya at gumaling na last Saturday. Pero kinabukasan, nung time na ng pagdede nya, umiiling sya. Lumipas yung araw na wala syang na intake na milk. Worried kami kasi hindi rin sya masyadong kumakain, though paunti unti lang. Bumababa na yung weight nya ng almost 1kg na for span of 2 weeks. We consulted na sa pedia, kasi nga baka need na i confine at baka ma dehydrate. Dun nga din na check na may tumutubong pre molar kay baby. Sabi ni Doc, normal lang daw yun at ayos lang naman daw kasi umiinom naman ng tubig si baby. Observe nalang daw namin. As of today, ganun padin, may mga araw lang na maiisipan nya dumede, pero 5oz lang, tapos yun na yun. May mga naka-experience na po ba sa inyo nito? it's been 4 days narin, at halos wala talagang milk intake si baby. Worried padin kami kahit sabi ni doc ay ok lang.