comprehension & emotional intelligence

(Long post) Hi, Just want to ask, Paano ba magdeal sa asawang kulang sa comprehension at emotional intelligence? Story: I tried na magsabi ng saloobin (many times) vocalized or thru chat, pero ang ending, ako ang mali at nauuwe sa galit nya or away. Bago ako magchat, tinitignan ko muna kung may mali ba sa typings or may mali ba sa sentence, Bago ako magvocalize, kinakalma ko muna ang sarili ko at sinusubukan na maging mahinahon sa pagsasabi ng saluobin, Pero ang ending, "puro kadramahan" "stress" "ok sana kung nagiging pera ang drama mo" etc, Ang gusto ko lang naman ay makinig sya, magets nya sinasabi ko, mag oo lang sya (kasi dadaan ang oras makakarealize din ako kung anu mali), at intindihin lang na saluobin lang ito, Wala akong intention of away, galit, or pagiging masama --- 29(F) Legal Wife, currently on 2nd pregnancy (unplanned) 39(M) with 4 children sa unang kaLIP nya Oo, ako ung dalaga na pumatol sa may anak na. Pero nung nagkakilala kami, hiwalay na sila ng LIP nya kasi nagpakasal sa iba ang lip nya. Ang mga anak nila ay malalaki na at may dalawang teenagers nalang, ay sumama sa lip nya. Noong kami, sinabi nya na wala ng connections, at walang habulan na mangyayare sa side nya, meaning walang hahabol saknya or saamin. Pero dumating ung times na napapadalas nadalaw ang mga anak nya, nakakabonding nya, tuwang tuwa pa sya. Kita ko naman, miss nya mga anak nya. So, ako nag adjust, pinakisamahan ko, at ok naman. Pero mula noon nakakabonding parin nya sa online games ang mga anak nya, na nakita kong parang ang unfair, kasi: 1. kapag ang anak ko ang aaya saknya ng laro, di nya malaro at sasabihin isturbo sa ginagawa nya (either wfh sya or online game) 2. kapag kami kasama nya, parang di sya masaya, stress sya,at prang napipilitan lang, madalas marinig ko sa kanya ay "sacrifice na nya lahat ng pagtatrabahu para may mabigay samin dahil responsibilidad at obligasyon nya kami",so meaning ganun lang ang tingin nya samin, responsibility at obligation lang. 3. kapag samin laging mainit ulo, mataas boses, kapag don sa iba mabait at mahinahon ang boses nya Napagsasabihan ako lagi na madamot ako, kasi nasabi ko na kung pwede wag na munang papuntahin ung mga anak nya sa kabila dito samin, pero ending ako ung naging madamot at naging masama. Masama bang masulit ko ung pamilya ko? --- 17yrs sila ng LIP nya, walang napundar, nabaon pa sa utang kahit malaki sahud nya non, pero wala. Dahil sa naranasan nya s LIP nya noon kaya naging matigas ang pagkatao nya. Mas gugustuhin nya magwork ng magwork kesa sa mga drama sa buhay. Kami turning 5yrs palang, pero natulungan ko na syang makapag ipon makapagpatayo ng bahay, makapagpundar ng kotse, at hindi ko ginagastos sa kung saang bagay ang sahod nya. Nahihiya at takot akong gumastos ng pera nya kasi hindi naman ako sanay, kung may maggagastusan man ako, un ay sa bahay, sakanya, at sa bata, kung gagastus ako sa sarili ko, gusto ko ung mura at maliit lang at pinagpapaalam ko pa sakanya. Noon may work ako, pero mas nagfocus ako saknla. Napansin ko mula noong nagkabahay at sasakyan sya,panay papansin ang kabila nyang pamilya, mga anak. E samantalang noong nakilala ko sya na walang wala sya, lulong sa sugal at adik adik pa, ay halos wala naman tumulong sakanya maliban sa sarili nya, aminado din sya na malaki binago daw nya dahil saming bagong pamilya nya, Pero hindi maiwasan na magselos ako at makaramdam na unfair. Na sana man lang kami lang ang iturin nyang pamilya. Na sana man lang kapag kami ay wag syang magalit palagi, or wag nya kaming tignan bilang stress lang or responsibilidad lang. Tignan nya kami bilang pamilya nya.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi momsh, I understand your feelings. di mo talaga maiiwasan yung ganyang feeling na parang unfair at mag selos kung hindi na ffeel mo na hindi pantay yung treatment. Di natin mawawala na mamiss nya yung mga anak nya, at okay lang maging masaya sya at makipag bonding sa mga anak nya. Kaya lang, dapat mag bigay din naman sya ng time sainyo. bilang ikaw yung asawa nya at buntis ka pa. Dapat priority na nya kayo when it comes to attention at financial kung malalaki naman na ang anak nya at di na need ng sustento. totoong responsibility at obligation nya kayo, pero di lang naman financially yon. kung di mo na ffeel yung care at love sainyo okay lang na sabihin mo :( dapat maintindihan ka nya. siguro next time wag ka nalang mag talk about sa kids nya or how sya makipag bonding. Siguro focus ka nalang kung pano sya sainyo kasi ikaw lang tlga magmumukang masama or madamot. For example, sinabihan anak mo na istorbo. instead na isipin mo na or sabihin mo na "pag sila ganito ganyan" sabihan mo na, "wag ka naman ganyan sa anak natin" in that way alam nya na di okay sayo yung treatment nya sa anak nyo. i hope momshie maging okay din kayo. at focus ak sa wellness ng body at mind mo dahil malaking impact yan sa pagbubuntis.

Magbasa pa