OGTT. I Survived!
** Long Post ** Kwento ko lang yung first experience ko sa OGTT mga mamsh and I am happy kasi I survived. π Marami na akong narinig na unpleasant stories about the test kaya naman hindi na rin ako nag-expect na magiging ok din experience ko. Actually, lahat ng kakilala kong mommies na nakausap ko eh nag-fail sila sa unang test. Sabi din nang OB ko, wag ko daw isusuka kasi nagsuka din siya noon at sayang naman daw kasi uulitin pag ganun ang nangyari. May lahi rin kami nang diabetes and in fact, diabetic mama ko kaya di na rin ako umaasa sa magandang result. So, maaga ako dumating sa clinic. Kami nga lang tao doon hahaha. Ewan ko ba, anxious ko sobra kaya ayun, di ako nakatulog ng maayos kaya maaga na lang ako pumunta nang clinic. Nung kinuhaan ako ng unang dugo, wala daw makita ugat lol. Pero buti maya-maya, may nakapa din. Unang tusok, success. One shot. Then after nun, ayan na, the dreaded 75g glucose drink. Unang inom, matamis nga. Pero ok ok na rin kasi may flavor pala. Di naman sa ano pero nasarapan ako. π Yes oo sobrang tamis pero kako alang pinagkaiba ung tamis sa mga iced tea na naiinom ko sa mga kainan sa labas at milk tea na naka 100% sugar π so naubos ko siya nang dalawang lagok. Niloko ko nga ung nurse doon kako isa pa kasi nabitin ako. π Akala ko malapot siya, yun pala normal drink lang. First hour, oke pa. Wait another hour forda second tusok. Second tusok, one shot ulit! Kaya buti naman lol Pagdating nang second hour, dun na nagstart. May urge na magsuka. Ang panget sa feeling. Yung gutom na gutom ka na tas iinom ka pa ng malamig na matamis na juice tapos citrus flavored pa. Kaya ayan na, sumisipa na ung acid sa tyan. Si baby ang likot lol. First time ksi naming magutom nang ganun katagal. Malikot pala ang baby pag gutom na gutom ka hahaha. Praying talaga ako na wag ko isuka. Nagdidilim na paningin ko kasi halu-halo na feelings ko; Gutom, antok (dahil puyat), lutang, hilo, nasusuka. Nag-isip na lang ako nang happy thoughts at thank God, nakaidlip ako! Kaya nasupress ung suka feeling hehehe. At ayan na ngaaaa... Dumating na yung final tusok. One shot ulit! Im so happy! Ayoko kasi nang tinutusok tusok kaya happy ako na one shot lahat. Kaya ayun.. after nun, dun pa lang ako nakakain. Nagbaon ako ng Skyflakes at maligamgam na tubig para di masyado mabigla chan ko. After nun, kumain na kami kasi I deserve kumain hahaha! Dun pa lang ako nagkaroon nang diwa. Ang sarap kumain mga mamsh! Di ko nga alam pano pa ako nakapagmaneho lol. Then came the result. Grabe! Ang baba nang sugar ko!!! I am so happy lalo! Akala ko hihingi na ako ng gamot sa nanay ko. Kaya super pasalamat talaga ako kay Lord na dininig niya yung dasal ko. ππ Proud ako sa sarili ko kasi na-tolerate ko siya. π Basta ang tips ko lang, pag nasusuka, tayo ka tas lakad-lakad ka. Keep yourself busy para di mo mapansin yung feeling. - kung kaya i-idlip, maganda rin. - wag magpapa OGTT pag puyat. Puyat kasi ako nun. π Mas nagiging x2 yung hilo grabe. - enjoy the experience kahit na chaka ang feeling - mag-dasal na ma-survive - wag agad kakain nang marami after nang procedure para di mabigla ang chan - dapat may kasama ka para umalalay sayo. - pagkauwi, magpahinga. Wag magbubuhat. Tatlong tusok ka mamsh at baka magpasa mga pinagtusukan. Ayun lang. Maraming salamat sa mga umabot hanggang dito sa dulo. Kaya natin 'to! π