Issue kay Hubby
Long post --- I believe in the saying na: A woman can NEVER forget how her man treated her DURING pregnancy and AFTER birth. If that man treated her well, she's lucky, otherwise not. ---- My husband (M38) and Me (F28) 2019 when we met, he was sweet, kind, nice. But maraming Redflags na, like: Nautang madalas, At Mabisyo (Alak & Yosi). Pero my mga good sides din naman. Me, walang bisyo, work and house lang. Pero ewan ko ba, bakit nagkagusto ako saknya, at marupok masyado ang puso ko. (as of now, I felt like I am cursed or this is my punishment) 2020 I got pregnant & Have our daughter. Dito lumabas ang pinakaworse. He was not kind anymore, not nice, not sweet. He even cheated on me many...many times. I stopped working since na pregnant ako dahil sensitive ako at madalas mahilo at magdugo. He continued to work (Manila, while me nagstay sa province nla since kinasal kami) Naubos pala ang savings ko since na meet ko sya. And during my pregnancy mas nasagad, so no choise ako kundi magrely sakanya. Pero nagresign din sya kung kilan malapit na kong managank. I tried to sell things online, para kumita habang pregnant. Plants, clothes, cosmetics. I grew up mag isa, independent, hindi sanay humingi ng tulong sa iba even sa relatives/family. I stayed on the relationship kasi Wed na kami at ayokong lumaking walang ama ang bb ko. (Hoping na maging happy life happy family kami someday) I experienced trauma at emotional damage during my pregnancy. And NEVER ko makalimutan kahit hanggang ngaun. It was at those times that I felt extreme loneliness, sadness, and stress. Syempre preggy pa ko non at maraming changes sa hormones (di nila magets to) Mag isa sa bahay at nakakasama lang ang hubby ko tuwing weekends or every other week. Sa tuwing umuuwe sya, either iyot ang ggwin nya or magdamag magoonline games sya or mag iinum with barkada nya. I am a foreigner in his province. Sobrang layo ng culture ng province nla sa kinalakihan ko. During pregnancy, I go to my check ups alone, staying in the house alone, as in walang kasama, liblib p ang lugar. Lahat kilos ko. Tuwing umuuwe sya, kilos ko parin lahat, laba lyto linis, groceries. One time, I want to feel na sana involve naman sya sa pregnancy ko, I requested him na pede ba nya ko masamahan mag pacheck up since balak din naman nya umabsent sa work dahil tinatamad sya pumasok (sober pa ksi sya non from last night's inuman) He agreed. Pero sana di ko nlng sya sinama. During the check ups, matagal dumating ang OB, naiinip sya at sinabi nya na sana nagpahinga nalang sya sa bahay. Never akong inaalalayan sa tuwing naglalakad kahit malaki na tyan ko, at sa tuwing naakyat baba sa overpass, sasabihan pa nya kong mabagal maglakad. Sa subrang stress ko sa attitude nya that time pag uwe ng bahay ay naglabas ako ng sama ng loob. At doon na lumalala, sinabihan nya akong walang kwenta, walang pakinabang, at normal na ako kikilos lahat kasi sya ang nagwowork. Many...many times. Away sigawan kami during pregnancy. Dumating ang labor day, mas pinili nyang mag inum. I told him a lot of times na nakakaexperience na ko ng labor, nagdudugo ako, pero sabi nya di k p naman manganganak so anu daw ngaun kung nakakaexperience ako ng ganon. I wa slike. Wtf? Nag inum sya that time, and nung nagdugo na ko ng tuluyan,pinasundo ko sya sa kapitbahay namin na hanapin sya kung saan sya nag iinum. Dumating syang maibit ang ulo, na kapag nag iinum daw sya ay wag na wag syang susunduin. I told him na manganganak na ko. Pero wala prin reak. Waiting parin sya sa kilos na ggwin ko. Ako nag ayus ng mga gamit n ddlhin papuntang lying in, ako ang ang contact ng ambulance. 1st bb ko at hindi advisable ang lying in, pero dhl nga wala na akong savings, pinilit ko ang mga madrona na payagan ako. Kamot ulo sla pero ramdam dn nla na hirap na ako, at lalo na napansin dn nla ang attitude ng kasama ko. Na tila bang walang pakialam. Labor na ko pero online games prin ang inaatupag. I raised my hands habang iniinda ang sakit, hoping na sana hawakan nya, pero nakaupo sya sa tabi at nagmomobile games lang. Nanganak ako, at never ako nagrest, pagbalik ko sa ward, hindi ako natulog, ako nag linis ng 1st poop ng bb, nagpadede, at nag ayus ng mga gamit at kalat, naligo ako actually just hours after giving birth. Kinaya ko. Masaya naman sya na may bb na sya. Pero gang don lang. Gusto nya lang kabonding ang bata kapag tahimik. Pero kapag umiyak na, nayayamot na sya at di nya maalagaan. Di man lang mabihisan or mapaliguan or mahugasan kapag nagpoop. Nagkawork sya pero di sya nagtagal. He resigned from work kasi pra daw may mag alaga sakin, pero the truth is, ayaw na nyang magwork ksi nakaaway nya ang hr don. 1mos/2mos/3mos lang ang tinatagal nya. 1yr halos no work kami both, at my sanggol pa, nag online selling ako pero di un sapat.. May mga bayarin sa bahay at mga needs ng bata. Grabe ang stress ko. Napapaiyak nalang sa puyat at pagud. To the point na binalak kong magpakamatay. Kesa intindihin, nasabihan pa akong OA at wag siyang idamay kung magpapakamatay ako. Wag dw sa bahay na un kundi lumabas dw ako. TF! extreme PPD na ung nararanasan ko pero wala silang alam at walang pakialam. Wala aking masabihan, even friends, kasi sbai ko kaya ko pa naman.s 1st bdy ni bb at binyag pinagsabay ko na. Aki nagkilos ng mga documents, aasikasuhin, at ihahanda. Sa pagud wala ng lasa mga niluluto ko. Di n ko nagimbita kasi kaunti lng ang handa ko. Tana na ang 1 ninong at 1 ninang, at 2 ulam with rice na ipapakain sa kanila. I tried to apply for jobs and nagusap kami na kung sino mauna samin ang maiiwan ang magaalaga sa bata. Naunang may nagofer sakin, pero sumabay ang ofer nya in abroad. Syempre mas pinili namin ang abroad, ksi mas malaki ang sahud. Kaya no choice ako kundi tanggihan ang ofer sakin. Ayuko kasi mag hire ng mag aalaga sa bb ko. Lumaki ako na walang magulang, kaya gusto ko full time kong nababantayan ang bata. Steady prin ako sa small online business ko,khit papano. During the times na nasa malayo sya ok naman, tamang chat at reply lng sa kumustahan. Pero after 1yr, end of contract n nya, at balik uli sa pinas. During those times, di ko sinayang ang mga pinapadala nya. Ipinundar namin sa pagpapatayo ng sariling bahay, since nakikitira lang kami sa lumang bahay ng tyahin nya. Nagbago naman ng kaunti ang attitude nya. Naging maintindihin at madalas hindi na nya ako nasisigawan. Masaya dib sya kasi malaki ang bb namin nakakalaro na nya. Pero those pregnancy and after birth moments, ay paulit ulit kong naalala. Lalo na kapag may mga kilala ako na nagbuntis at nakikita kong subrang maayus ang treat ng kasama nla sa sknla. (Meju inggit, pero tama na...) Until recently, nakapagapply uli sha ng WFH, habang ako naman nagaantay ng ofer sa inaaplyan kong abroad. Since WFH sya, naiaadvance nya ang ibang workloads nya. Ramdam ko ang ego nya, like: I am working, yoy do the chores. Kilos ko lahat, may sakit man ako o wala. Need kong kumilos, kasi kung hindi, makakarinig akong "ang tamad mo" "work ko, chores ko parin?"(sarcastic) Pero di parin maintindihan na porket sya ang may work, sya lang ba may karapatan mapagod? Every night, naggcng ang bb ko naghhno ng makakain, maiinum, napupuyat ako don. Every night nakaakap sakin ang bb ko kahit mainit at masakit na sa braso. Every day gusto ng bb ko mklaro ako, lahat ng suluk ako ang hinahanap. Luto, laba, linis. Porket wala ba akong "formal/professional work, bawal na kong mapagod?" Deep inside, pagod na rin ako. Emotionally. Sa ubos nanaman ang savings namin para lang mapatayo ng bahay. Pati un asikaso ko,ako nagbbntay sa labors, nagbabudget, nagllkad ng mga docs sa municipyo. .etc. Girls/Mothers/Women, I am praying na sana all ur partners are treating u well. And please, wag kang papasok sa relationshio kung wala kng pera or wala kang stable income, or not financially secured. Pra just incase you want to let out, you can go out anytime ksi masusuporthan mo sarili mo. Unlike me. Hindi kaya ng savings ko ngaun. I need more pa. I need a stable work and income for me to get out. ( I guess?) iamFTM