Malungkot na nakaraan

Long post ahead. Ang nanay ko di pinanagutan ng tatay ko, ending iniwan ako sa hospital pagkapanganak at nangibang bansa na. Months ako andun sa hospital. Lolo ko lang kumuha sakin at kinupkop nila ko. Hanggang sa namatay lolo at lola ko so I had to stay sa mga kamag anak. Todo pakisama kasi nakikitira lang. Tipong papasok ako sa school na walang baon kasi daw walang padala nanay ko. Ilang years na para kong kasambahay. Sige lang kailangan makisama eh. Up to a point na isinama kami ng step bro ko abroad (bilis makamove on ng nanay ko, nagkaanak din agad sa iba). Pagdating dun may foreigner na palang asawa. Kung ituring nya parang Diyos. Binugbog ako nun, hinilamusan ng dinikdik na siling labuyo, inuntog sa pader, binalibag ng plansta at rice cooker pero wala siyang ginawa. Nood lang cya. Anong klaseng ina. Sabi ko aalis ako kahit na di ko alam san ako pupunta (highschool lang ako nun). Inunahan ako ng alis nung lalaki. Kinabukasan nagsorry sa kanya tinaggap naman nya na parang walang nangyari. Ang sakit para sakin ng mga pinagdaanan ko pero at the same time it made me stronger. 9years ako dun walang uwian dito sa Pinas then came a chance na makauwi, umuwi na ko. Nagkaron ng pagkakataon na makatagpo ng mamahalin(long time crush) na mamahalin din pala ko. I decided to stay. Now I have my own family with two kids and a very loving husband. Sa lahat ng pinagdaanan kong masakit at masalimuot, sila ang binigay ng Diyos sakin para maging masaya ako. There's truly a rainbow after the rain and storm.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

God bless you sis❤