Baby Lab Tests/Xray

Long post ahead. First time mom, 7 months 19 days old baby girl Around 1am today, habang natutulog kami..may narinig kaming lagabog. Yun pala si baby nahulog nanaman sa higaan kahit may harang na unan sa right side nya. Nakahiga ako sa left side nga that time kasi once na nagising sya para dumede, right boob na ang dededehin nya (side lying po kami palagi sa gabi). Nung narinig namin mag-asawa ang lagabog sa sahig, dali dali syang binuhat ni mister. Nakadapa si baby nung binuhat ng asawa ko mula sa sahig. Iyak ng iyak. Pero tumahan din nung napadede ko na. Habang tumatagal na syang dumede (Cradle position) nakakatulog na. Napapaisip ako kung anong test ang pedeng gawin para malaman kung ok ba talaga sya. This is the 2nd time na nahulog sya sa higaan namin. Ang unang beses ay nung 2months old sya. Una pa kong nakatulog sa sobrang antok habang buhat sya ng nakaupo/nakasandal ako sa gilid ng higaan habang iniintay syang makatulog. Haist. Sobrang worried ako kay baby kung anong way or test para malaman kung ok ba ang ulo nya,kung ok ba talaga sya - __-

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Pa check nyo na po c baby mommy para sure tanong nyo po sa pedia nya..para sigurado po mommy