Meet my baby girl.

LMP: JULY 11, 2022 (APRIL 18, 2023) EDD BASED ON ULTRASOUND: APRIL 15, 2023 DOB: APRIL 17, 2023 WEIGHT: 3.2 KILOGRAMS Nakaraos din sa wakas, FTM here. Medj kinabahan ako nung una kasi dumaan na ang April 15 pero hindi pa rin ako nakakaramdam ng kahit ano kaya kung ano-ano naiisip ko that time. April 16 ng gabi nakakaramdam na ako ng pananakit at pagtigas ng tiyan, nararamdaman ko rin na parang may tumutusok sa pempem ko at may white na discharge. April 17 ng umaga hanggang tanghali, pananakit at sobrang sakit ng tiyan ulit nararamdaman ko tapos may white discharge din na lumalabas, itinulog ko lang yung sakit non pero paggising ko ng 3:00 pm umihi ko then pagtingin ko sa undies ko may maliit na pahid ng dugo kaya nagpanic na ako hahaha then ayon dinala na ako sa hospital then chineck kung ilang cm na bale 4 cm na ako that time kaso wala na raw ob gyne sa hospital na yon kaya lumipat kami then pagkarating naman sa ibang hospital chineck ulit kung ilang cm na bale 6-7 cm na raw kaya tinurukan na ako ng pampahilab at pinasakan ng primrose para bumilis yung paghilab. Sabi nga raw nung mga nurse mataas daw pain tolerance ko kasi hindi ko naman daw masiyadong iniinda yung paghilab pero naramdaman ko na talaga yung sakit nung palabas na talaga si baby kasi nararamdaman ko na siya sa ibaba ko kaya ayon pinasok na nila ako sa delivery room at exactly 7:18 PM, lumabas na siya. Medj mahirap nung una kasi malaki pala siya, nagulat nga yung mga nagpaanak sa'kin kasi payat lang ako kaya maliit lang din tiyan ko pero malaki yung batang nailabas ko hahaha.

Meet my baby girl.
2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

sana makaraos narin. 39 weeks and 1 day πŸ™πŸ™

Sana makaraos na din . 40weeks nako bukasπŸ˜”